Chapter 30

9.7K 358 42
                                    

Ang mababait ay nagkakaroon ng update. Salamat at walang makulit this time.

___

Pinadilatan ni Nora si Emilio at pilit na nagpakakaswal kahit hindi niya alam kung saan magsisimula. Nakita ko na ito, wala akong dapat ikakaba. Walang malisya ito. Sinimulan niyang isa-isahin ang butones ng polo nito, saka iyon inililis mula sa pantalon nito. Hindi siya tumitingin dito, kahit alam niyang nakatingin ito sa kanya at nakangiti. Nakikita niya ito sa sulok ng kanyang mga mata.

Iniiwasan niya ring tumingin sa katawan nito. Aminado siya, hindi niya na masyadong matandaan ang hitsura noon dahil lasing siya noong gabing iyon. Maganda ang katawan ng lalaki, sa katunayan ay napakatikas nito, sa kabila ng malaking pasa sa tadyang nito. Napalunok siya, pilit pa ring pinakakaswal ang tinig nang hubarin na nang tuluyan ang polo, ingat pagdating sa sling sa braso nitong maingat niyang ibinaba. May patigas iyon ngunit nagawa niya namang mahubad sa manggas.

"Mali ito," aniyang nagbalik sa maleta. Mahihirapan itong isuot ang kamisetang nakuha niya. Ngunit wala itong inimpakeng kasuotang babagay sa kalagayan nito. Sa huli, isang pajama top na malaki ang kanyang kinuha. Nakangiti pa rin ang lalaki habang isinusuot niya ang braso nitong may kapansanan sa isa. Pawisan na siya at tumaas ang kamay nito sa kanyang mukha upang pahirin ang pawis na marahil nasa bandang kilay niya.

"Lovely. Just lovely."

"Puwede ba, Emilio?" asik niya.

Labis siyang namroblema nang maisuot na ang pajama top, sapagkat ang ibig noong sabihin ay ang bottoms na ang kailangan nitong isuot dito.

"Kaya mo na siguro 'yan. Naigagalaw mo naman ang kanan mo."

"Have a heart."

Dumako na ang kamay niya sa sinturon nito na mabilis niyang naalis at hayun na ang butones ng pantalon nito. Ingat na ingat siya, daig pa ang naghihimay ng hipon. Napatingin siya sa lalaki nang bigla itong tumawa.

"The thing in there won't bite, you know."

Iba ang Emilio na ito sa Emilio na nakasanayan niya at nitong huli ay ganap na nakilala. Marahil ay isa ito sa mga maskara nito. Kung ilang maskara ang meron ito ay tanging ito lamang ang nakakaalam. Sa wakas ay naalis na niya sa uhales ang butones at ibinaba na niya ang zipper nito.

"Puwede bang 'wag mo 'kong tingnan?" aniyang hindi sumusulyap dito. Naiilang siyang talaga. Nagtungo siya sa dulo ng kama ay hinigit ang pantalon para mahubad na. Ang tagiliran ng binti nito ay punung-puno ng mga sugat at pasa, ngunit hindi naging dahilan iyon para mabawan ang pagkailang niya.

Signature ang underwear nito, puti, malinis, eksakto ang sukat dito at agaw-pansin ang umbok na iyon sa gitna ng panloob. Iniwasan niya ng tingin iyon na para bang kapag napatitig siya roon ay mabubulag siya. Maingat niyang isinuot ang pajamas, napapatingin sa mga sugat nito. Tiyak niyang masakit ang mga iyon.

"Bakit ang dami mong sugat?"

"I told you—"

"Aksidente, oo, nabanggit mo na." Nakaabot na siya sa bahaging iniiwasan niya at mabilis niyang itinaas sa baywang nito ang garter ngunit naudlot siya dahil nakaupo pa rin ito. "Iiwan kitang ganyan kung hindi mo ako tutulungan."

"I've seen you sneak a peek. I'm just giving you all the time in the world to look at it. It's yours for the viewing as long as you like."

Pinitik niya ang sugat sa tadyang nito at itinukod na nito ang kamay upang maitaas niya ang pajamas. Iniwan na niya ito roon at nang nasa labas niya ay saka naunawaang pati palad niya ay nagpapawis na at anong lakas ng tibok ng puso niya. Sa lahat ng tao sa mundo, tanging si Emilio lamang ang nakakagawa ng ganoon sa kanya. At ngayong dumating ito sa teritoryo niya, ilang oras pa lang ito, ay parang bumaligtad na ang mundo niya.

Traje de Boda 3: Nora (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon