Chapter 19

8.4K 314 19
                                    

Pag-inom ni Nora ay hindi niya nai-shoot nang tama sa labi niya ang bibig ng bote kaya't may tumapon sa damit niya. Tumaas ang kamay ni Emilio sa kanyang labi, marahil upang punasan iyon. Unti-unting nabura ang kanyang ngiti sa pagtitig nito sa kanyang mga mata habang nakalapat ang daliri sa mga labi niya.

Tipid itong ngumiti saka sumandal. "You better rest. I'll take you home."

"Anong oras na ba?"

"Almost nine."

"Ang aga-aga pa. Saka bakit ka aalis na doon? Baka kailangan ka pa nila. Ikaw ang bida doon."

"I've got an early meeting tomorrow. Besides, my job there is done. Your sister left already. She left as soon as the rehearsal's over. Your mother is still there though."

"Pinapunta nga niya ako sa kotse, doon na lang daw ako maghintay sa kanya. Wala naman si Manong. Siguro naghanap ng yosi. Wala naman ditong nabibilhan ng yosi. Uuwi ka na ba talaga?"

"Ihahatid muna kita."

"'Wag muna. Ipasyal mo muna ako."

Tumawa ito. "Where?"

"Parang gusto kong kumain. Pero ayokong kumain sa loob. Magagalit sa akin si Mama 'pag nakita niya ako doon."

"Fine. Whatever you say, drunken miss."

Hindi niya maawat ang kanyang bungisngis at nasinok siya na dahilan para mapatawa siya nang malakas. Tumawa rin si Emilio at hindi pa nagtagal ay parang may clown sa loob ng sasakyan. Sa Shari-la Makati sila nagtungo.

"Alam mo, masaya na ako kahit sa karindeya. Hindi ako sosyal," aniya, saka muling sininok. "Gulatin mo nga ako para mawala itong sinok ko. Nakakainis." Muli na naman siyang sininok. Napansin niya na tutop ng lalaki ang ulo nito. "Nahihilo ka ba? Puwede akong mag-taxi na lang pauwi."

"It must be the heat giving me this headache. It's very hot." Sumandal ito sa pader, tila nagpapalipas ng sama ng pakiramdam. Nanatili siya sa tabi nito hanggang sa bigla itong tumawa. Mukhang lipas na ang sakit ng ulo nito. "I feel good!"

"Ten-nen-nen-nen-nen-nen-nen," segunda niya.

Tawa lang nang tawa ang lalaki. Noon lamang niya ito nakitang ganoon at natutuwa siyang makita itong masaya. Inakbayan siya nito at inilapit niya ang sarili dito, dinama ang init nito, gustong panatilihin ang amoy nito sa kanyang ilong.

"You're so beautiful," sambit nito.

"Talaga?"

"Yes." Itinaas nito ang kanyang mukha. Nakangiti pa rin ito. "If it wasn't for the situation I would've already flirted with you."

Kung bakit kahit alam niyang may mali sa usapan ay parang sinubok niya ang tadhana, hinamon ang pagkakataong iyon. "Sa tingin mo naman kung sakali nga na ganoon, ano ang magiging reaksiyon ko sa 'yo?"

"Let's just say that by now we would've already booked a room." Inilapit nito ang mga labi sa gilid ng kanyang tainga at biglang nagtayuan ang balahibo niya sa katawan, kasabay ng init na nanulay sa kanyang balat, laman, at ugat. "You smell lovely... I would really like to find us a cozy place where we can enjoy each other. I would really like to kiss you."

Naipikit niya ang kanyang mga mata. Sa mga sandaling iyon ay ibig na lamang niyang magpatianod na siyang ginawa niya. Bumulong siya rito. "Take me with you. I will go wherever you please."

Hinawakan nito ang kanyang kamay at sumama lang siya rito. Nagtungo ito sa reception desk at hindi pa nagtagal ay nasa loob na sila ng elevator. Hinagkan nito ang kanyang mga labi at napakainit ng halik na iyon, parang lalong umikot ang kanyang paningin ngunit sa paraang masarap sa pakiramdam, maaliwalas sa kanyang kalooban. At gusto pa niya.

"Marami pa?" nakangiting tanong niya, nakapikit pa rin.

"Maraming-marami pa."

Bumukas ang pino ng elevator at pinangko siya nito patungo sa isang malaking silid. Maingat siya nitong ibinaba sa kama. Nagtungo ito sa mini-bar at doon ay naglabas ng maiinom na nasaid nito. Para ba itong uhaw na uhaw at kahit malamig sa silid ay basa ang balat nito sa pawis.

"Pinagpapawisan ka?"

"Must be... Hell, I don't know. Come here and kiss me." Ngunit hindi siya hinintay nitong makalapit dito. Ito ang nagtungo sa kama at muli ay naglapat ang kanilang mga labi. Napuno ng malinamnam na sensasyon ang kanyang katawan at buong-puso siyang nagpaubaya rito. Bawat haplos nito ay dinama niya, bawat halik ay ibig matandaan. At nagpaulit-ulit ang mga sensasyon sa katawan niya. Iyon ang alaala niya sa tagpong iyon bago siya hilahin ng antok.

Nang maalimpungatan siya ay para siyang uhaw na uhaw kaya agad siyang bumangon upang unti-unting maunawaan ang nagawa niya. Hayun si Emilio sa kanyang tabi. Sumilip siya sa ilalim ng kumot upang makatiyak kung wala talaga itong saplot. Napasinghap siya sabay tayo.

Inignora niya ang pagtibok ng kanyang sentido at tuluyan nang tumayo, ibig magimbal sa nangyayari. Sinakmal ng takot ang puso niya, matapos ay nangliit siya at sa huli ay alam niyang hindi niya kayang panindigan ang lahat ng iyon. Hindi niya kayang sabihin sa mama at ate niya iyon, hindi niya alam kung paano aayusin ang lahat.

"Diyos ko," sambit niya, isa-isa nang pinulot ang damit sa sahog at isa-isang isinuot ang mga iyon. Pati ang uhaw niya ay nalimutan na niya at ang tanging alam niya ay kailangan niyang umalis. Sapagkat hindi rin niya kayang marinig ang sasabihin ni Emilio.

Sinipat niya ang relo nang nasa elevator na siya. Ala-una ng madaling araw. Lumabas siya sa hotel at sumakay ng taxi pauwi. Wala pang sasakyan sa garahe, ibig-sabihin ay wala pa ang mama at ate niya. Agad siyang nagtungo sa kusina, uminom ng tubig kahit tila ayaw bumaba noon sa kanyang lalamunan. Tinakbo niya ang kanyang silid at nang naroon na ay saka siya napahagulgol ng iyak.

Noon nag-ring ang cellphone niya at nabasa niya ang pangalan ng mama niya roon. Agad niya iyong sinagot. "H-hello?"

"And where have you been?! Kanina pa ako tawag nang tawag sa 'yo!"

"Nandito ako sa bahay, Mama. P-pasensiya na po. Nakainom po ako kanina at... at..." At nabaliw ako. Nawala ako sa sarili ko. Nakagawa ako ng malaking kasalanan, Mama. Natatandaan ko... Natatandaan ko na hindi ako tumutol. Hindi ako tumutol, Mama. Patawarin mo ako.

"Why are you crying?" Tila iritado pa rin ito.

"M-masakit po ang ulo ko. K-kanina po kasi wala doon si Manong kaya hindi ako nakapaghintay sa kotse. Pasensiya na po."

"Fine. Is your sister home?"

"W-wala pa po, Mama."

"Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko sa inyong dalawa!"

Nawala na ito sa linya at naibagsak niya ang kamay, tuluy-tuloy ang pagluha. Alam niya kung ano ang tama niyang gawin, lamang ay hindi niya alam kung kaya niya iyong gawin. O tama nga ba kung sasabihin pa niya sa kanyang kapatid ang nangyari sa kanila ni Emilio? Paano magiging tama kung masisira ang kasal ng mga ito? Dahil isang gabing nalasing siya at nawalan siya ng kontrol sa sarili niya, ang sampung taong plano ng mga ito ay bigla na lamang mawawala? Kung nabubuhay ng Papa niya, tiyak na labis itong mabibigo sa kanyang nagawa.

At nahihiya siya sa sarili niya. Bawat eksenang dumadaan sa isip niya, panaka-nakang alaala ng lasing na tagpo kanina, ay naipipikit niya nang mariin ang kanyang mga mata sa panliliit. Kahit masama pa ang kanyang pakiramdam sa dami ng kanyang nainom kanina ay hindi siya nakatulog. At nang makita niyang lumiliwanag na sa labas ng bintana ay pinilit niyang ipikit ang kanyang mga mata, nagdasal, umasang sana ay maging maayos din ang lahat.

Traje de Boda 3: Nora (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon