Chapter 31

8.8K 349 10
                                    

"What's this?"

Ni hindi nag-abala si Nora na sulyapan si Emilio. Pinapasok niya kina Cleto at isa pang tauhan ang isang maliit na kama sa silid niya. Doon na lang siya matutulog. Sa palagay niya ay hindi na sila puwedeng magtabi ni Emilio dahil kaninang umaga, sa ikalawang gabi ng pagtatabi nila, ay nagising siyang nakapatong sa kanya ang isang binti nito at ang mga labi nito ay nasa kanyang balat. Sa leeg in particular.

"I asked what this is," anito.

"Kama."

Nagpaalam na sina Cleto at lumabas. Nilagyan niya iyon ng kobrekama, hindi pa rin tumitingin kay Emilio. Kung puwede nga lang ay hindi na siya matutulog sa silid na iyon ngunit hindi rin niya kayang iwan ito. Alam niyang hindi pa rin maganda ang pakiramdam nito. Nakita niya itong nakangiwi kanina nang aksidenteng tumama sa mesa ang tagiliran nito. Sariwa pa rin ang mga sugat nito.

"He really is quite the gentleman, isn't he? Helping you put this bed inside."

"Si Cleto?"

Hindi ito umimik, kumuha lang ng gamot at uminom. Pumuwesto ito sa kama matapos kunin ang laptop nito. Tumahimik na rin siya at nang matapos sa pag-aayos ay sinabi rito, "Kung may kailangan ka, gamitin mo na lang ang intercom. 'Yang radyo diyan, gamitin mo lang kung may kailangan ka sa akin."

"And what, pray tell, shall I need from my wife?" sarkastikong wika nito.

Kung bakit bigla ay ibig niyang mapangiti. Mukhang napipikon ang lalaki at marahil dahil na rin sa wala itong magawa para imanipula siya. Para kasing gusto nitong siya ang personal na mag-asikaso sa lahat ng pangangailangan nito sukdulang hindi na siya umalis sa tabi nito.

At marahil kung hindi nangyari ang lahat ng nangyari sa kanila ay masaya niyang gagawin iyon. Hindi ba at iyon lang naman ang papel ng isang asawa na dati'y gustong-gusto niyang gampanan? Hindi ba at iisang passage lang sa Bible ang binanggit ng nagkasal sa kanila dahil hindi ito opisyal ng simbahan? Natatandaan niya ang sinabi nito mula sa Biblia. Sa katunayan ay natatandaan niya ang eksaktong book, chapter, at verse—Ephesians 5:24: "22Wives, submit yourselves to your own husbands as you do to the Lord. 23For the husband is the head of the wife as Christ is the head of the church, his body, of which he is the Savior. 24Now as the church submits to Christ, so also wives should submit to their husbands in everything."

Nabura ang pagkaaliw niya sa sitwasyon nang maalala ang debosyon niyang ibig sana niyang ibigay sa lalaking ito. Nasa Biblia rin naman ang dapat nitong gampanan sa kanya bilang asawa nito na malinaw mula nang nagkausap sila na hindi nito gagampanan.

"Wala," tugon niya sa tanong nito. "Walang hindi kayang ibigay sa 'yo ng iba." O kayang bilhin ng perang nasa 'yo na yatang lahat. Sayang lang dahil hindi mo naiintindihan na mas maraming bagay sa mundo ang hindi kayang bilhin ng bagay na pinahahalagahan mo nang higit sa kahit na anong bagay. Pero para sa isang taong hindi naiintindihan iyon ay wala rin iyong silbi kaya masuwerte ka pa rin.

Nang makalabas ay naabutan niya si Nanay Pining kasama ang mga uwiang kasambahay na nililinis nang maigi ang tabing-bahay. Ang mga nakaimbak doong mga drum ay pinapagulong nang nakatayo patungo sa likod-bahay.

"Ano pong ginagawa ninyo?" takang tanong niya.

"Ay, may made-deliver daw dito ng mga materyales mamaya. Sinabi lang naman sa akin ng asawa mo kanina."

"Ano pong materyales?"

"Aba'y mga graba, semento, hollow blocks. Magpapatayo daw ng opisina siya dito, eh, saka ie-extend daw itong bahay. Hanggang doon tila." Itinuro nito ang isang malayong poste. Kung totoo iyon ay madodoble ang sukat ng bahay! "Hindi ba niya sinabi sa 'yo?"

Nag-init na nang tuluyan ang ulo niya. Muli niyang binalikan si Emilio. "Magpapatayo ka ng opisina nang hindi mo sinasabi sa akin?"

"I would've told you if you weren't very busy moving that bed in."

"Hindi ka puwedeng magpatayo ng opisina dito."

"The construction would only take three months, the contractor assured me."

"Merong mga kuwarto ditong bakante kung kailangan mo lang ng temporary office. Hindi ka naman siguro magtatagal."

"First of all, this house only has five rooms. The two of us and your family if they visit are using three. My parents and grandparents would occupy two more rooms. What about Maria? And don't get me started with the children—I'm planning to make at least five by the way. Where would they sleep—"

"Anong children?! Anong children?!" Gusto na niyang mag-hysteria.

"Our children, of course." Tila nagkokomento lang ito tungkol sa panahon sa paraan ng pananalita nito.

"Nababaliw ka na!"

"I've already told your mother about the construction and she said it's okay. I really would've told you but—"

Lumabas na siya at hindi na pinakinggan ang sasabihin nito. Pakiramdam niya ay umuusok ang kanyang ilong sa galit. Lalo nang nakagalit sa kanya na kinausap muna nito ang kanyang ina bago siya. Paglabas niya sa bahay ay sumakay siya sa kabayo at agad itong pinatakbo, mabilis, umaasang tantagayin ng hangin ang init ng ulo niya.

Traje de Boda 3: Nora (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon