Chapter 36

10.2K 352 23
                                    

NANG pisilin ni Emilio ang kamay ni Nora sa ilalim ng mesa ay nakalma ang kanyang kalooban. Hapunan at naroon na ang pamilya nito. Mas maaga sa inasahan ang pagdating ng mga ito ngunit handa siya roon. Ngayon ay masagana ang hapunan, masarap ang roast beef na niluto sa pugon. Kumpleto sa salad, soup, at mga pagkaing hindi kinasayansa hacienda.

Ang tanging dahilan kung bakit siya natetensiyon ay ang lolo ni Emilio. Akala niya ay susunod lang ito roon, ngunit kasama ito at parang hindi ito natutuwa sa kanya. Wala naman itong sinasabi ngunit para bang hindi man lang ito ngingiti. Nakaka-intimidate ang matanda. Bagaman nag-"congratulations" ito sa kanya kanina ay walang saya sa mukha nito.

"Well, dig in," ani Emilio.

"It's lovely what you've done with this place, Nora," komento ng ina ni Emilio. "This place is very homey. I absolutely love it. No wonder Emilio likes it here. Of course, you're the main reason."

Nag-init ang kanyang mukha at hindi pa siya nakakatugon ay nagsalita na ang lolo ni Emilio.

"I'm glad you brought that up, Julie. Emilio, what is going on? You've missed three meetings and you're well already. You don't need rest anymore. Why can't you go back to Manila and maybe Nora can come with you."

"Daddy, please," ang ina ni Emilio. "Let him stay here with his wife. Obviously they are having fun together. I believe this is the first time that Emilio took a break from work and he deserves it. Besides, Magno can take over for him. In fact, Magno was going to if you didn't volunteer. You didn't tell us you're not up for it."

"I'm up for it, of course. I'm just worried about Emilio."

Sa puntong iyon ay nahulaan niyang hindi na igigiit ng matanda ang tungkol sa pagbalik ni Emilio sa opisina. Parang nahamon ito sa sinabi ng anak. Tiningnan niya si Emilio, may ngiti sa labi nito habang kumakain. Para itong hindi apektado sa naging usapan at parang wala itong balak sabihin na babalik na ito sa opisina sa lalong madaling panahon.

May sayang idinulot iyon sa kanya sapagkat alam niyang kung babalik ito sa Maynila ay hindi siya sasama rito. Wala na si Cleto at wala siyang ibang maaaring mapagkatiwalaan sa malalaking bagay. Si Marissa ay pang-opisina lang.

"This food is amazing," muling wika ng ina ni Emilio. Gusto niya ang babae. Hindi ito nauubusan ng ngiti para sa kanya.

"Sana bukas pagkaing-Pinoy naman," hiling ng ama ni Emilio. Mahal niya ito bilang ama sapagkat noon pa ay nakita na niya ang matinding pagpapahalaga nito sa kanyang ama.

"Wala pong problema, Dad. Marami pong pagkain ngayon dahil sa isang araw na ang pista. Mula hapon hanggang gabi po ang kasiyahan dito. Hindi po makakarating sina Mama pero darating po ang mga kapatid ko."

Tumango ang mga ito, at hindi na niya kinailangan pang magpaliwanag. Malamang na sinabi na sa mga ito ni Emilio ang tungkol doon. Panay ang papuri sa kanya ng ina ni Emilio hanggang sa dumating ang tanong nito tungkol sa kanilang anak. Ano raw ang ipapangalan nila sa bata.

"We haven't discussed it yet. Maybe later," tugon ni Emilio.

May pananabik siyang nakapa sa dibdib. Gusto rin niya iyon. Sa katunayan ay gusto niya itong makausap tungkol sa kanilang magiging anak. Wala na siyang balak ang mga argumento nila noon dahil tiyak na magkakaroon na naman ng tensiyon sa paligid nila. Ang sa kanya, kapwa na nila alam kung ano ang mga pangyayari at nagsisimula sila ngayon ng bago. Sana.

Matapos magkape sa sala ay pumanhik na sila sa kanya-kanyang silid. Sa gabing iyon ay sa silid nila ni Emilio siya matutulog. Binanggit nito iyon sa kanya kahapon pa at pumayag siya. Ayaw din niyang magpaliwanag sa mga biyenan niya kung bakit nakabukod siya ng silid kay Emilio. Kung bakit bigla siyang kinakabahan.

"Are you all right?" anito. Tumango siya. "You'll have to excuse my grandfather. He can be a little grumpy."

"Okay lang. kaso hinahanap ka na yata sa opisina. Matagal ka na rin dito. Baka iniisip niyang ako ang dahilan kung bakit hindi ka nakakapasok."

"He would be right then."

"W-wala akong intensiyon na ganoon—"

"Wala akong sinasabing may intensiyon kang ganoon. I like spending time with you. In fact, if it's only possible I would move the entire office here. Of course that's not likely to happen so I'm extending my vacation to be with you longer. I will probably go back to the office when the baby is thirty years old."

Bigla siyang napatawa. "Sira ka talaga. Baka galit na galit na sa akin ang lolo mo noon. Galit ba siya sa akin?"

"No. I don't think so. Naninibago lang siya sa akin."

At naninibago rin ako sa 'yo. Ano ba ang gusto mo? May gusto ka na rin ba sa akin? Puwede bang mangyari agad 'yon? Hindi mo na ba ide-deny na anak mo ang anak natin?

Ngiting-ngiti siya nang matigilan siya. Noon lang tumimo sa isip niya ang sinabi nito. Aalis lang ito kapag thirty years old na ang bata. Joke iyon marahil pero bakit ito magbibiro ng ganoon? Dapat ba niyang itago sa puso niya ang mga salita nito? Dapat ba siyang umasa na hindi ito aalis matapos maiayos ang mga papeles at maproseso nagn tama ang mga iyon? Hindi ba at iyon ang una nitong sinabi sa kanya nang sabihin niya ritong buntis siya mahigit isang linggo pa lang ang nakakaraan?

Hindi niya alam, nalilito siya. At ang halik nito sa kanya kanina ay nakatatak pa rin sa isip niya at marahil hindi na kailanman mabubura.

"Come here," anito, tinapik ang bahagi ng kutson sa tabi nito at naupo siya roon. Agad siya nitong niyakap at hinagkan sa labi. Naipikit na lamang niya ang kanyang mga mata. Tiyak niya sa mga sandaling iyon na ito lamang ang lalaking makakapagparamdam ng ganoon sa kanya, na para bang ayaw na niyang matapos pa ang halik na iyon.

Mahal kita, Emilio. At natatakot ako. Nalilito na naman ako. Inisip ko na na hindi puwedeng maging tayo talaga pero heto na naman tayo. Sana awatin mo ito kung mauuwi rin sa wala...

"A-ang sabi mo, thirty years old na ang bata bago ka babalik sa opisina," aniya makaraan ang ilang sandali. Sinabi na niya sa sarili niyang ayaw na niyang pag-usapan pero hayun ang mga salita, tila kusang lumabas sa kanyang mga labi. "Thirty years... Sabi mo sa akin h-hihintayin lang natin na maayos ang mga papeles. B-binabawi mo na 'yon?" Ang lakas ng tibok ng puso niya. Sa loob ng ilang sandali ay naisip niya na tatango ito, yayakapin siya nang mahigpit, at sasabihin sa kanya ang linyang tulad nito: "Yes, I take that back! Walang deadline ito. Our family would be whole until the end of time." Halos pigil niya ang paghinga, nag-aantabay sa sasabihin nito.

Ngunit nang makita niya ang reaksiyon nito ay parang ayaw na niyang marinig pa ang sasabihin nito. Mukhang hindi nito inasahan ang sinabi niya at kay lalim ng naging pagbuntong-hininga nito. Para ba itong nadismaya sa sinabi niya. Sapat na iyon para hindi na niya igiit ang paksa. Ayaw na talaga niyang marinig ang sasabihin nito ngunit nagsalita ito.

"Must we talk about that again?"

"Hindi ko ipipilit."

"I would be glad if you do that. Why can't we just live for the moment? Can't you be happy with what we have right now? 'Yong ngayon lang. Ilagay mo ang isip mo sa nangyayari ngayon. Enjoy it if you can. Just let go of the other things that are bothering you. I know it's probably hard but please do try. You can do that, can't you?"

Pero para saan? Hindi ko kayang hindi maisip ang darating na panahon dahil ayokong magsayang ng emosyon sa 'yo. Ayokong mag-invest kung alam kong mawawala ka rin naman. Pero salamat, salamat na hindi ka nagsisinungaling kahit kailan tungkol sa aasahan ko sa 'yo. Pero 'wag mong asahan na hindi ako magtatayo ng pader sa pagitan natin.

"Gusto ko nang magpahinga," sambit niya.

Bumuntong-hininga itong muli at hindi na umimik. Nahiga na siya, baon sa pagtulog ang hinanakit na tanging ito lamang ang makakapagpaalis ngunit batid niyang kahit umalis na ito ay hindi nito tatangayin. Iiwan nito iyon sa puso niya.

Traje de Boda 3: Nora (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon