"Find me an aspirin," wika ni Emilio sa kanyang office assistant. Ilang araw na siyang hindi nakakatulog nang maayos at pakiramdam niya ay lalala ang sakit ng ulo niya mayamaya lang.
Isinuot niya ang lab gown, saka nagtuloy sa factory. Kailangan niyang makausap ang isa niyang chemist na ang opisina ay naroon sa malaking laboratory. Sa gamot nagsimula ang Stanford and Stanford at hanggang ngayon ay iyon ang pinakamalaki nilang negosyo.
Makalagpas sa mga makinang nagbabagsak ng mga pildoras sa kanya-kanyang bote ay lumiko siya sa pasilyo at nagtuloy na sa nakasaradong opisina. Dalawang kalalakihan ang naroon, sina Doctor Serna at ang baguhang protégé nito na si Doctor Bautista, newly-grad, hindi mahilig sumunod sa patakaran, ngunit mahusay. Agad nitong ibinaba ang paa nito mula sa mesa, bumati sa kanya, at saka nagpaalam at lumabas. Sanay na siya sa ganoong reaksiyon ng tao sa kanya. He knew he could be intimidating at times. Wala siyang kailangan sa lumabas kaya pinabayaan na lamang niya ito.
"How's it going, Doctor Serna?" aniya sa pakay.
"It's perfected. We may go to testing next week."
Sa wakas, isang magandang balita para sa araw na iyon. "I knew you'd bring me good news, Doc."
"My wedding gift to you."
"You will come, of course."
"I wouldn't miss it for the world."
Tumango siya at naghanda na ring umalis. May wedding rehearsal pa siyang dadaluhan. Tumalikod na siya at napansin ang isang botelya sa mesa ni Doctor Bautista. May label iyon na "aspirin" at ibinulsa niya. He would take one in a while.
BINABASA MO ANG
Traje de Boda 3: Nora (COMPLETED)
RomanceThird book of the series. Available sa ebookstore ng PHR.