Chapter 38

9.4K 317 3
                                    

"THAT'S amazing."

Umayon ang lahat sa sinabi ni Emilio. Nasa isang mesa sila sa gitna ng selebrasyon. Alas-siete ng gabi at nagkukuwentuhan silang lahat sa gitna ng tuba at masaganang handa. Ikinuwento nina Vilma at Charo ang tungkol sa traje de boda na nagamit ni Nora at iyon ang reaksiyon niya.

"Sinabi mo pa," si Vilma.

Masaya siyang kausap ang mga kapatid ni Nora, lalo na ang bayaw nitong si Pio na mas kilala niya sa pen name nito. Parang nanumbalik sa kanya ang pasinasyon niya noong bata siya na hindi naman tuluyang nawala sa kanya. Mabait ito, sa katunayan, mabait ang lahat ng ito. He can honestly say he had never met nicer and kinder people in his life.

Kung noon marahil ay masosorpresa siya sa mga pangyayari sa buhay niya, maging sa pakikitungo niya sa ibang tao. Kung dati marahil ay hindi siya makikipag-usap sa ganitong lebel sa mga taong ngayon lamang niya nakilala ngunit iba na ngayon. Somehow he had become more trusting, more open, and more appreciative of people. And he liked the change. He liked even the vulnerability it gave him. It made him feel normal. Ni hindi niya nauunawaan noon na iyon ang kulang sa kanya, mga totoong tao sa paligid niya, mga simpleng tao na walang ibang intensiyon para kausapin siya, walang pabor na ipapakiusap o hihilingin.

It was refreshing and he liked it. In fact, he liked this new environment so much he decided to stay until his child was three. And then they would move to Manila. Sa ngayon, habang hindi pa naisisilang ang kanyang anak ay magpapabalik-balik na lang siya sa Maynila sa tuwing kailangang-kailangan siya roon.

Kanyang anak. Kanya. Kahit technically ay hindi, wala na iyon sa isip niya. He didn't care anymore. Noon pang nalaman niya. Marahil naging laman lang ng isip niya iyon sa loob ng isa-dalawang araw ngunit nagpasya siyang kanya ang batang iyon. At sa kabila ng lahat ng pagtatampo niya kay Nora sa paggiit nitong kailangan matapos sa takdang panahon ang kanilang relasyon ay handa siyang panindigan ang pinakamalaking desisyon sa buhay niya—ang makasama ito.

Siyempre ay dumaan sa isip niya kung paano na kapag tuluyan nang naayos ang mga papeles at ito na mismo ang mag-file ng annulment. Ilang gabing sumakit ang ulo niya sa kaiisip noon ngunit sa huli ay tinakpan niya ang mga alalahanin ng determinasyon. Dahil mahal niya ito.

He was so in love with her that he was ready to give up everything he had worked so hard all his life to achieve just to be with her. Dumaan sa isip niya ang posibilidad na mabigo niya ang kanyang lolo at lola at bagaman mahihirapan siyang tanggapin ang mga tiyak niyang sasabihin ng mga ito ay handa siyang makinig, handang tanggapin kung anoman ang maiisip ng mga itong kapalit ng kanyang ginawa at hihingi siya ng tawad—dahil hindi niya inaasahang magmamahal siya at hindi niya inaasahang sa pagmamahal niyang iyon ay madidiskubre niya ang isang bahagi ng pagkatao niyang buhay na buhay, sarisari ang mga kulay, parang mga kuwitis na gumuguhit sa panggabing langit.

Meeting Nora and being with her made him feel colorful and best of all, happy. For the first time in his life he was truly, utterly happy—despite the troubles. And like anyone who had found a rare treasure for the first time, he was not willing to give it up. Not in this lifetime.

"More champagne for everyone!" aniya. Kumuha siya niyon sa bahay at bahagya lang sinulyapan ang kanyang lolo at lola. Tahimik lang ang mga ito. Ang kanyang mga magulang, sa pagkakaalam niya ay kanina pa naglakad sa ilalim ng buwan. Now he understood his parents. Now he understood love.

Papalabas na siya sa bahay nang salubungin siya ng kanyang lolo. "We'll be heading back to Manila in a while. All this ruckus is making my head ache. I can't understand why you stay in this place. Are you coming with us?"

"No, Sir, I'm not."

"What has gotten into you, boy?" Hayun ang tono ang eksaktong pangungusap nito na ginagamit nito sa kanya sa tuwing disappointed ito. He had not heard that line in decades.

"Love, Grandpa. I love her. I want to be with her. There's nothing wrong with that, is there?"

"Of course, there's nothing wrong with that," ang kanyang lola. "What your Grandfather is saying is you must love... how do I put this? Well, you must love in moderation. You have a big company to run—" Natigil ang pagsasalita ng babae nang tumawa siya. "What's funny, young man?"

"Grandma, I can't love moderately. There's no way to love moderately. If there is, I doubt if it's called loving. This is how I love. You know I'm generous man. I can only love generously. Don't worry now, I'll take care of the company. I just need to..." I just need to make sure she loves me, too, or at least willing one hundred percent to learn to love me. "I just need to be with Nora here for a while. Maybe a year or so."

"A year?!" Tumaas na ang tinig ng kanyang lolo.

"And a year we shall give him," ang kanyang ina. Kahawak-kamay nito ang kanyang ama. Hindi niya nalaman na nakarating na ang mga ito sa loob ng bahay. "More if he needs it. Magno will take over the company. Daddy, you know you're no longer fifty. Let Magno help out. After all, he was care of the company before Emilio."

Matagal bago nakasagot ang matanda. Tumango ito. "Fine." Nilapitan siya nito, saka pinisil sa balikat. "You do what you must."

"Thank you."

Nagpaalam na rin ang mga ito. Hinanap niya si Nora ngunit wala ang babae kaya nauna na ang kanyang lolo at lola. Nakipagsayahan ang kanyang mga magulang at nang puntahan niya ang puwesto nila kanina ay wala pa rin doon si Nora.

"Where did she go?" tanong niya sa mga kapatid nito.

"She didn't say. May kakausapin lang daw saglit. Doon siya nagpunta." Itinuro ni Charo ang isang direksiyon at sumunod siya roon. Something didn't feel right.

Traje de Boda 3: Nora (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon