"But this can't be!" bulalas ni Charo nang makita ang larawan na inabot sa kanya ng apo ni Anunciasion Geronimo, ang tumahi at orihinal na may-ari ng traje na isinuot ng kanilang lola hanggang sa kanilang ina. Ang traje de bodang isinumpa.
Agad niyang ipinasa sa mga kapatid ang larawan at mukhang nabigla rin ang mga ito. Inilabas ni Nora ang maliit na kahong kinaroroonan ng mga larawan ng lola nilang si Celestina. Naroon ang wedding picture nito kasama ang asawang si Agustin, ang kanilang lolo. Ngunit sa larawang ipinakita sa kanila ng apo ni Anunciasion ay kasama rin nito si Agustin sa isang kasal! Ikinasal din ang mga ito!
Tila nakauunawang tumango ang babaeng kausap nila. Kasing-edad marahil ito ng kinilalang ina ni Nora.
"Inakala ng pamilya ninyong patay na siya pero isa lang iyong palabas. Kasabwat ng lolo ang kasama nila ni Celestina sa bahay na siyang nagsabing patay na siya. Pinlano lahat ni Lolo dahil gusto niyang hanapin si Lola."
"There must have been some mistake. I mean, I understand that in those days bigamy probably happened all the time since they did not require a lot of documents but there must be some mistake," giit niya.
"Paano po noong burol niya? Sino ang nasa ataul?" si Nora.
"Nakasara ang ataul. Sinabi ng embalsamador na hindi mareretoke ang nabasag na bungo na siyang dahilan kung bakit lumubog ang mukha ni Lolo. Iyon ang kuwento sa akin ng Lola."
Matagal bago may isa sa kanila ang nagkaroon ng reaksiyon.
"Iniwan niya ang pamilya niya," sambit ni Vilma.
"Iniwan niya ang anak nila, si Lola Agustina," si Nora.
"He never met his own daughter," sambit niya. "How could he have done that to his own family?"
Tumango ang kausap nila. "Puwedeng sabihing ganoon nga ang nangyari, na tinalikuran niya ang babaeng pinakasalan niya. Siguro sadyang naging mahina siya at minahal niya talaga ang Lola. Pero parating nakikibalita ang lolo sa pinagkakatiwalaan niyang tauhan. Kumpleto kami sa litrato ng pamilya niya sa panig ninyo, hanggang sa mamatay siya. Sampung taon na silang kasal ng lola nang mamatay siya. Aksidente sa sasakyan."
Natahimik muli silang magkakapatid.
"Namatay ang lola noong one hundred-five siya. Matanda nang talaga, pero matalas pa rin ang isip. Sinabi niya sa akin na posible raw na isang araw may maghahanap sa Lolo o sa kanya, mga kamag-anak o apo ni Celestina. Ibigay ko raw ang sulat na ito."
Tinanggap niya iyon at halos nanginginig ang kamay na binasa.
Kung binabasa mo ang sulat na ito, marahil ay wala na ako sa mundo. Malaki ang kasalanan ko sa pamilya ninyo kahit unang nagkasala sa akin si Celestina. Isinumpa ko ang traje na ako ang lumikha at marahil iyon ang dahilan kung bakit napuntang muli sa akin si Agustin. Ngunit binawi ko na ang sumpa dahil sa laki ng kasalanan ko kay Celestina. Hindi mapagtatakpan ang katotohanang kasal sila ni Agustin ngunit pinakasalan ko pa rin siya.
Ngunit minahal ko si Agustin at hanggang ngayon ay mahal ko siya. At batid kong minahal din niya ako. Ang tanging pagsisisi ko ay hindi ninyo nagawang makilala si Agustin na bagaman hindi masasabing naging mabuti sa inyo ay minahal kayo. Alam iyan ng Maykapal.
Sana mapatawad ninyo ako.
Nagkatinginan silang lahat. The wedding gown was no longer cursed, after all. Kung iisipin ay parang ganoon naman din talaga. Nagkasundo sila ni Iñigo, nagkasundo rin naman sina Emilio at Nora. But for good measure, they decided to burn the gown anyway.
Nagpasalamat sila sa babae at lumabas na sa kabahayan. Matagal din bago nahanap ang kaanak ni Celestina Geronimo ngunit heto, tapos na ang misteryo. Halos wala pa rin siyang masabi. Sinalubong silang tatlo ng kanya-kanyang asawa at sumakay na sila sa isang SUV.
"Everything all right?" tanong ni Iñigo sa kanya.
"I think so. Girls?"
Tumango si Nora, gayundin si Vilma, bagaman tahimik ang mga ito, marahil ay nabibigla sa rebelasyon. Sapagkat sakali man na hindi nangyari ang mga nangyari sa lolo nila at kay Anunciasion, marahil naiba ang takbo ng mga buhay nila... At marahil lumaki silang magkakasama.
Ngunit kung nagkaganoon ang takbo ng kanilang mga buhay, makikilala kaya nila ang mga mahal nila sa buhay? Ang butihing pamilya ni Vilma na nagsimula sa perya? Ang kanyang Daddy at mga kaibigan. Ang papa ni Nora. Higit sa lahat, ang kanilang mga asawa.
"Wala na rin naman tayong magagawa kaya keri na," si Vilma na sinang-ayunan nila ni Nora.
Siya ang nagkuwento ng pangyayari sa kanilang mga asawa. Nang matapos ay humilig siya sa balikat ni Iñigo. She was so glad she had found him. Kung maibabalik niya ang lahat ay marahil gugustuhin niyang makasama ang kanyang mga kapatid, maging ang kanyang kinilalang ama, at tiyak na hahanapin niya ang lalaking ito.
"If you ever fake your death I'll kill you," aniya rito. "With love, of course."
Tumawa ito saka siya dinampian ng halik sa pisngi.
Kinabukasan ay dinala niya sa isang crematorium ang traje at pinaabo iyon doon. Desisyon nilang magkakapatid iyon. Kahit sabihin na binawi ang sumpa ay masyadong maraming sakit sa ulo ang dinala ng traje de boda kaya't mas maganda nang mawala iyon. The ash was now a symbol of a new life for each of them—together.
![](https://img.wattpad.com/cover/195970351-288-k657191.jpg)
BINABASA MO ANG
Traje de Boda 3: Nora (COMPLETED)
RomanceThird book of the series. Available sa ebookstore ng PHR.