Chapter 25

8.4K 301 6
                                    

At sa sandaling iyon ay naunawaan niya ang isang bagay—na dapat noon pa niya nakitang ito ang totoong ito. Ang paimbabaw ay ang mga ngiti at tawa nito. Baligtad ang pagkakakilatis niya rito. Hindi nagtatago ang isang mabait at halos malambing nang lalaki sa ilalim ng maskara. Ang malambing na lalaking iyon ang siyang maskara nito. At heto siya, asawa nito, umasang magiging masaya siya sa piling nito, lihim na nangakong magiging mabuting maybahay siya, habang ito ay nakaplano nang iwan siya simula pa lang.

Ang pangako pala nitong magiging maayos ang lahat ay hindi siya malulugi pagdating sa hatian, sa materyal na bagay. Para bang inakyat niya ang pangako nito sa kaitaasan para lang itulak siya nito pababa.

"I'm sorry... what do you want?"

Halos hindi siya makapaniwalang kailangan pa nitong itanong, ngunit agad niyang naunawaan na siyempre kailangan nitong itanong, dahil hindi kaya ng emosyon nitong unawain kung bakit siya nagagalit. Dahil wala itong normal na personalidad. Ni hindi nga nito binabanggit ang nangyari sa kanila.

"I would do everything I can to give it you. I promise you."

Pangako na naman. Ang bilis pala nitong magbitiw ng pangako. Pero wala itong kayang ibigay sa kanya, malinaw iyon.

"Gusto ko lang malaman kung bakit kailangan pang patagalin ng isa hanggang dalawang taon ang pagsasama natin."

Mukhang nabigla ito. "Is that what you wanted to talk about?"

"Yes," tahasang pagsisinungaling niya.

"Well, first of all, we'd need a few months for the proper registry of our marriage contract. And then there are papers that need to be taken care of. Legal matters here in the Philippines take time to sort out, the procedure can take very long. I will, however, promise to do my best to speed things up." Titig na titig ito sa kanya at madilim ang anyo nito, bagaman kalmado ang pagpapaliwanag. Marahil nasaktan ang ego nito sa sinabi niya at kung bakit sa kabila ng galit niya ay hindi magaan sa loob niyang makita ang ganoong reaksiyon nito sa kanya.

"'Yan ang pangako mong aasahan ko." Tumalikod na siya.

"Wait. This doesn't have to be this way, Nora. Hindi natin kailangang magtalo o magkaroon ng samaan ng loob. Sabihin mo sa akin kung ano ang gusto mo, kung ano ang kailangan mo. Para sa kapakanan mo ang mga desisyon ko."

"Talaga?"

"Of course!" Tumaas ng kaunti ang tinig nito. "Do you think I would have married you and put you in this position if there was another way? I never planned this to end this way, I can't stress that enough. I would have glady went to New York to bring back your sister but what she did was something my family could never accept. Personally, I could. But they can't."

Naitanong niya sa sarili kung gaano karaming butil pa ng asin ang ibig nitong ibudbod sa sugat na nilikha nito. Last choice siya, no choice na ito. At parang ibig pa nitong palabasing isang kahanga-hangang bagay iyon—na ayaw siya talaga nitong pakasalan at napilitan lang ito.

"I'm not trying to say you're not lovely person," anito, tila nabasa ang isip niya. "I'm just saying your sister would have filled the position quite nicely. She was ready. She belonged. We live in the same universe, Natasha and I. She can roll with the punches. You can't. And I mean that in a good way. Kami ni Natasha, matagal na kaming may sariling set-up. You don't belong here. You belong in a more peaceful place, in a more delicate place."

Natunaw na ng sakit ang galit niya. Ang tanging gusto niya sa mga sandaling iyon ay magkulong sa isang silid at umiyak. Gusto niyang umuwi ng hacienda, ayaw na niya sa lugar na ito. Tama ito. Naunawaan niyang sa kabila ng lahat ay tama ito. Sapagkat hindi niya kaya ang makisabay sa takbo nito. Hindi niya kailanman makakaya marahil ngunit hindi dahil mahina siya, katulad marahil ng iniisip nito, kundi dahil mali iyon at kailanman ay hindi niya kayang gumawa ng mali nang maluwag sa loob niya at ipagpapatuloy pa niya.

Mahina ang tinig nito nang muling magsalita. "I hope you understand, Nora. And I sincerely, sincerely would like to make you happy. Believe me, I do. You don't deserve all this. And I'm sorry."

Tumango siya. "Gusto kong umuwi sa hacienda bukas."

"Of course. I will take you there."

"No. Hindi na. Ipahatid mo na lang ako."

"It's too soon to ask you to stop hating me for putting you here but I'm sincere with my apologies."

Muli ay tumango lang siya at tumaas na sa kabahayan. Hindi niya alam kung alin ang magiging silid niya ngunit nakita niya ang maleta niyang nasa isa sa mga silid doon at doon na siya tumuloy. Kakatwa ngunit ilang luha lang ang pumatak mula sa kanyang mga mata at wala nang sumunod pa.

Nagpalit siya ng damit atnahiga na. Bukas,babalik na siya sa mundo niya at talagang doon siya masaya. Doon niyahihintayin ang isa-dalawang taon na pangako ni Emilio. Pangakong maghihiwalayna sila. At lahat ng plano niyang talakayin dito, ang gabi na may naganap sakanila, ay sinarili na lamang niya. Para saan pa? Ano ang sasabihin niya ritona makakapagpaalwan sa sitwasyon? Wala.

Traje de Boda 3: Nora (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon