Chapter 21

8.3K 353 25
                                    

Kahit mag-a-update na sana ako, muntik na namang naantala dahil may nag-message na naman at nagpapa-update. Pero naisip kong imu-mute ko na lang next time ang mga makukulit magpa-update para mas masaya. <3

_____

"MA'AM, PINAPATAWAG kayo sa ibaba. Nandiyan si Sir Emilio."

Agad tumahip ang dibdib ni Nora sa sinabi ng kawaksi. Tumango siya at agad na tumayo. Aligaga siyang naghanap ng magandang maisuot. Ilang araw na niyang ibig makausap ang lalaki. Naisip niyang sa huli, silang dalawa ang dapat na magpasya kung sasabihin sa kanyang kapatid o hindi ang nangyari sa kanila. Ngunit nitong nakalipas na ilang araw ay wala ito sa bansa. Ayaw niyang sa telepono lang sila nito magkausap. Salamat at pinuntahan siya nito ngayon. Malaki ang nakakapa niyang takot sa puso niya. Sa katunayan, takot na takot siya.

Malaking isipin sa kanya ang marahil pinoproblema ngayon ng lalaki—ang kumalat na larawan ng kanyang kapatid sa internet. Hindi niya alam kung sino ang nagkalat noon, ngunit mas hindi niya maunawaan kung paano nagawa ng kapatid niya iyon kay Emilio gayong malinaw naman ditong ikakasal na ang mga ito.

Noong isang gabi niya nalaman ang lahat, nang bigla na lang himatayin ang kanyang ina at nang mahimasmasan ito ay nanikip ang dibdib nito, pilit tinawagan ang kanyang kapatid na hindi na nila makontak. Hanggang kanina ay hindi nila makontak ang babae at hindi nila alam kung ano ang kanilang gagawin.

Kaya marahil, hindi rin siya ang mismong sadya ni Emilio. Gayunman ay kailangan nilang magkausap. Alam niya, mali ang tiyempo, ngunit hindi maaaring ipagpaliban na lamang nila iyon. At ang ikinakatakot niya nang labis—paano kung siya pala ang malaking dahilan kaya nagawa ng kanyang kapatid ang ganoon?

Alam niya, parang imposible—na inamin dito ni Emilio ang lahat kaya ito nakagawa ng ganoon; bakit iyon gagawin ni Emilio nang hindi nagsasabi sa kanya, ngunit isa pa rin iyong posibilidad. Sa katunayan, wala pa siyang tulog kaiisip tungkol doon. Paano kung nasira na ang mga plano dahil sa kanya?

Pero hindi. Kung ganoon ang nangyari, imposibleng hindi tatawag si Ate Natasha para ipaalam kay Mama ang lahat. Imposibleng hindi pa ako sinisigawan ni Mama hanggang ngayon. Imposibleng hindi pa ako pinapalayas. Sapagkat iyon ang kanyang duda—na palalayasin na siya kung sakaling ganoon nga ang itinakbo ng mga pangyayari. At ang masakit ay mauunawaan niya ito. Dahil sadyang napakasama ng nagawa niya. Diyos ko, tulungan Ninyo ako...

Humugot siya ng hininga at bumaba na. Nabigla siya nang makitang hindi lamang si Emilio ang nasa sala, kundi ang buong pamilya nito. Naroon din ang kanyang mama na nangangalumata na. Sinulyapan lamang siya saglit ni Emilio at nagbaling na muli ng tingin sa kanyang ina na sinenyasan siyang maupo.

Natetensiyon siya. Bakit may pulong at bakit kasama siya?

"You do understand, of course, that we cannot allow him to marry Natasha now. We took care of our name and it is a clean and perfecty unblemished name," wika ng lola ng lalaki.

May matinding kabang sumakmal sa kanyang puso. Ang lolo ng lalaki ang nagpatuloy. "We've been very supportive of your daughter's dreams and plans in her life but this is quite a scandal for our family and we simply cannot allow this to happen. We have to put our feet down and decide. And we have decided to either continue on with what we have started with Eastern Sun—and I would like to mention the fact that we have placed the company on the list of the top one hundred businesses in Asia, from it placing one hundredth and so in the local list ten years ago. Emilio."

Tumango ang lalaki at ito ang nagpatuloy. "With continuing what we have started with your company, I would have to marry Nora."

Napasinghap siya. Nagpatuloy ang lalaki. "We believe the number of shares we have is quite small for all the hardwork we put in your company. But because of recent events, the choice is now yours and if you decide to manage the company on your own, we cannot do anything about it."

Nakatutop lamang siya sa kanyang bibig, nabibingi sa lakas ng tibok ng puso niya. Binalingan niya ang kanyang ina. Bakas sa mukha nito ang pag-aalala.

Nang magsalita ito ay may nginig ang tinig nito. "You... you mean you will stop managing the company even if you own it too? Surely you care about your shares."

"Its management can be tranfered to our management company and will be supervised by able people for a fee, of course. And I will not be there to personally take care of it," walang emosyong wika ni Emilio. Ibig niyang mabasa ang mukha nito, ibig malaman kung ano ang nasa kalooban nito. Sa lahat ng nangyayaring ito ay bakit parang napakapormal nito, napaka-businesslike.

"How about the recent projects? Paano ako makakasigurong maayos ang magiging pamamahala sa negosyo?"

"I'm sure our employees will do a good job. You cannot expect me to continue with it, Ma'am, especially when I have Stanford and Stanford and our family owns one hundred percent of it. Or maybe you can take care of Eastern Sun yourself. You've dabbled in a few businesses, too, I heard."

Tumigas ang anyo ng kanyang ina. Matagal bago ito tumugon. "I am giving to you Nora's hand in marriage."

Natulala siya.

Traje de Boda 3: Nora (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon