Biglang nag-init ang mukha ni Nora sa tanong ng kausap. "Excuse me, Ma'am?"
"Oh, call me Maria, not Ma'am. It makes me feel old. So, answer the question." Ngiting-ngiti ito. "I like you better than your sister, if you don't mind my saying so. She wouldn't eat meat! It's crazy!"
Ang totoo, ni hindi niya alam na nagkakilala na ito at ang kanyang kapatid. Hindi niya alam kung paano sasabihin dito ang kakatwang sistema ng kanilang pamilya. Ngunit hindi niya maiwasang mapangiti sa komento nito. Sadyang hindi kumakain ng red meat ang kanyang kapatid.
"She likes white meat."
"I know. It's loco." Panay ang iling nito. "No meat in the mouth, no meat under the skin! Wild wind would make her stumble. And she exercises like there is no tomorrow. When I saw her I wanted to make her eat a whole cow!"
Napahagikgik siya. "Sometimes she still thinks she's fat."
"Madre de Dios!" Lalo na siyang napatawa. Mahirap hindi matawa sa reaksiyon nito, ang panlalaki ng mga mata nito, ang tila hindi makapaniwalang ekspresyon sa mukha nito. "I like you, child. You marry Emilio instead." Nabibigla siya sa sinasabi nito bagaman nakangiti naman ito at tila nagbibiro lang. Pinisil nito ang kanyang palad. "Emilio—he's a very warm, very strange man."
"He doesn't smile."
"Oh, but he does. You just have to know how to make him. And when he laughs, it's beautiful."
Naunawaan niya sa mga sandaling iyon na marahil ang babaeng ito ang siyang tunay na nakakakilala sa lalaki. At bagaman may nakapa siyang pagnanais sa puso niya, pagnanais na masaksihan ang Emilio na tinukoy nito, batid niyang baka hindi iyon mangyari. Nakabukod siya sa mundo nito, sa magiging mundo ng mga ito ng kanyang kapatid. At masaya rin siya sa hacienda.
"Everything all right?" ani Emilio nang magbalik ito. Naupo ito sa tabi ni Maria.
"I was just telling this child that you smile and your laughter."
Bahagya siyang sinulyapan ni Emilio at nag-init ang kanyang mukha. Malamang na iniisip nitong obsessed siya sa bagay na iyon. Nakumpirma niya iyon sa komento nito. "She seems to have developed a mild fascination about the subject."
Salamat at naisipan ni Maria na ibahin ang usapan. Kaya raw ito maagang nagtungo sa Pilipinas ay upang makatulong sa preparasyon ng kasal. Hindi na siya nagkomento na mukhang malabong mangyari iyon dahil ayaw ng kanyang ina na may nakikialam dito pagdating doon.
Matagal silang nagkuwentuhan at sa tuwing mapapagawi ang tingin niya kay Emilio ay napapansin niyang nakatingin ang lalaki sa kanya, dahilan para hindi na mawala ang init sa kanyang mukha. Bakit ba ito nakatingin? Hindi naman ito ganoon noong nakaraan? Hindi kaya't iniisip nitong hindi man lang siya nag-aayos nang husto, 'di tulad ng kapatid niya? Hindi siya sanay sa kolorete at kaysa maglagay siya niyon at magmukha siyang clown ay minabuti niyang huwag na lang. Kung sana ay titigilan na ng lalaki ang pagtitig sa kanya.
"Time for me to rest now, child. Would you take me to my room?"
"Of course."
Doon din pala sa hotel na iyon naka-check in ang matanda. Hanggang sa silid ay marami itong kuwento at hindi siya makaalis kundi pa sinabi ni Emilio, "Okay, Maria, time to rest those lips."
Tinampal ng matanda ang balikat ng lalaki saka tumango sa kanila. Nagpaalam na sila rito. Nang makalabas ay tahimik lang si Emilio at hindi rin niya alam kung ano ang sasabihin dito.
"I hope it wasn't a big imposition on you to have entertained my personal guest," sambit nito nang nasa elevator na sila.
"Nagbibiro ka? Masaya siyang kausap. Natutuwa ako sa kanya."
"Some people find her to be a bit candid and chatty."
"I love her! Natutuwa akong malaman ang ibang mga bagay tungkol sa 'yo na hindi mo tiyak iboboluntaryo sa akin. Makakampante akong malaman na maayos naman ang napang-asawa ng kapatid ko."
"Sa lahat ng panahong ito, inisip mong hindi ako maayos." Nakakunot ang noo nito bagaman hindi mukhang galit.
"Alam mong hindi 'yon ang ibig kong sabihin."
"'Yon mismo ang sinabi mo."
Bumukas ang pinto ng elevator ngunit tila handa ang lalaking makipagdebate. "Hindi 'yon ang ibig kong sabihin."
"Fine."
"Fine."
Napangiti siya at napansin niyang may ngiti rin sa labi nito. Bahagya siyang napapitlag nang magtungo sa kanyang siko ang kamay nito. Kung napansin man nito ay hindi ito nagkomento. Inalalayan siya nito sa ganoong maginoong paraan hanggang sa labas ng hotel.
"You take care now."
"Ikaw rin. Salamat."
Nanatili ito roon at naglakad na siya tungo sa van. Nabigla siya nang bumukas iyon at makita niya sa loob si Tyrone. Nakangiti ang lalaki sa kanya, may dalang bulaklak na agad inabot sa kanya.
"Hello, beautiful."
"A-ano'ng ginagawa mo rito?" Napasulyap siya sa kinaroroonan ni Emilio. Naroon pa rin ito, may kunot sa noo habang nakatingin sa kanya. Parang gusto niyang magpaliwanag dito, kung hindi lamang lalabas na masyadong kakatawa iyon. Kakatwa at walang dahilan.
"I'm your sister's friend so I know where you are. The driver let me in. And I'm here to treat you out to dinner."
"B-busog pa ako, eh."
Bumaba ito sa sasakyan saka siya inalalayang makasakay at saka ito sumakay na rin, hindi man lang siya binigyan ng pagkakataong kumaway kay Emilio ay isinara na ang pinto. Nahahambugan na siya sa lalaking ito at kung ang ibang babae ay matutuwa sa atensiyon nito, siya ay naaalibadbaran. Para bang masyado itong presko, nakakalunod sa hindi magandang paraan.
"Then we'll just head home. I'm your mother's favorite, do you know that?"
Wala akong pakialam, ibig sana niyang sabihin ngunit nanatili siyang tahimik, hindi sanay mambara ng kapwa-tao. Umibis na ang sasakyan at nang sulyapan niya si Emilio ay wala na ito roon. Napabuntong-hininga na lang siya.
"That was your sister's fiancé, right?"
"Oo. Tyrone, ano ang kailangan mo sa akin?"
Tumawa ito. "Tinatanong pa ba 'yon?"
"Hindi pa kasi ako ready sa mga ganyang bagay," aniya na ikinatawa nito.
"Really? Kailan ka puwedeng ligawan? Kapag forty ka na?"
Muli, hindi siya nakatugon. Kinuha ng lalaki ang cellphone nito at mayamaya ay kausap na nito ang kapatid niya. Ipinasa ng lalaki ang cellphone sa kanya at mayroong mahigpit na bilin ang Ate Natasha niya.
"Tyrone is one of my groomsmen. You are my bridesmaid. You should entertain him and entertain him well. Please, Nora, pagbigyan mo na. The guy is nuts about you. He's also kind and sweet."
"Pero, Ate—"
"I won't take no for an answer. Isa pa, gusto mo bang nagkakailangan kayo sa kasal? Kayong dalawa ang magka-partner. Do this please, just once."
Napabuntong-hininga siya. "S-sige, Ate."
BINABASA MO ANG
Traje de Boda 3: Nora (COMPLETED)
Storie d'amoreThird book of the series. Available sa ebookstore ng PHR.