"DON'T YOU just miss him?"
Sinulyapan ni Nora ang kanyang mama. Kasama niya ito sa puntod ng kanyang ama. Kaarawan sana ng matanda sa araw na iyon kung nabuhay lang ito.
"Puwede po bang hindi ko siya ma-miss? Kayo, Mama, nami-miss ba n'yo siya?" tanong niya rito. Nagpasya siyang kalimutan na ang mga mapapait na pangyayari sa pagitan nila at patawarin ito sa lahat. Kung hindi dahil dito ay hindi niya sana napang-asawa si Emilio at sapat na dahilan iyon para pasalamatan niya ito.
"Everyday of my life." Pinunasan nito ang matang biglang namasa. "Alam mo, Nora, mabait kang bata. Walang maling desisyon sa buhay si Milton at ang pinakamaganda niyang desisyon ay ang kupkupin ka. Alam ko hindi ako naging mabuting ina sa 'yo. Hindi rin ako naging mabuting asawa sa papa mo. I understand that now."
"Mama—"
"'Wag kang tumutol dahil alam ko ang totoo. Ang papa mo, napakabait niya. Kahit wala na siya, nakikita ko pa rin kung gaano siya kabait. Sa tagal ng panahon, Nora, inisip kong totoo ang sinabi ng papa mo na nakuha ka niya sa tapat ng isang simbahan sa Mindoro. Ang paalam niya sa akin noon, sa Mindoro siya pupunta. At umalis ako, nagpunta ako sa bayan ng San Felipe."
"Pero doon daw po ako iniwan sa San Felipe."
Tumango ito. "Nalaman ko nga noong nakausap ko ang mga kakambal mo. Your father followed me there. Hindi totoong nagpunta siya sa Mindoro. Baka 'yon ang isa sa mga dahilan kung bakit hindi na niya sinabi sa 'yo kung saan ka talaga niya nakuha. Ayaw niyang malaman kong alam niya ang ginawa ko noong gabing 'yon."
"Ano po ang ginawa ninyo?"
"I met with Natasha's father." Labis siyang nabigla kaya hindi siya nakapagsalita. "Natasha is not your papa's daughter. And he knew all along, that's my guess."
Hindi pa rin siya nakatugon, nabibigla pa rin sa rebelasyon nito.
"So how is married life?"
"Mabait ang asawa ko, Mama. Masaya kami."
"I know. I can see that." Nilingon nito ang kanyang asawa na karga ang kanilang siyam na buwang anak na kamukhang-kamukha nito. Katabi ng mga ito sa labas ng chapel si Maria. "I don't think he would've been this happy had he married your sister."
"Kumusta ang Ate, Mama?" Nagkausap na sila ng kapatid niya at personal din itong humingi ng dispensa sa pamilya ni Emilio. Nang magkita sila nitong muli ay niyakap siya nito at sinabi nito, "Thank you. You saved me from a miserable life. And I'm sorry for treating you so badly all our lives. I guess it's because I always wanted to be Papa's favorite. I never succeeded in being one and since you are I hated you... lalo na noong hindi ko pa alam na hindi pala ako totoong anak ni Papa. I'm so sorry."
"Ah, she's happy being single, she said. Nasa Paris ngayon at gusto naman daw mag-aral dahil sawa na sa pagmomodelo. How's his family treating you?"
"Kasundo ko po ang mga biyenan ko. Ang lolo at lola naman po niya, hindi ko masyadong nakikita dahil nasa Amerika na."
"And Maria?"
Napangiti siya. "Dapat retired na siya pero gusto raw niyang alagaan si Eladio," tukoy niya sa anak. "Spoiled na bata kay Maria, lalo na sa Daddy niya."
"You sisters?"
"They're all well. Sa katunayan bukas dadalaw sila sa bahay. May pupuntahan daw kami pero hindi pa nila sinasabi kung saan."
"I'm happy for you. Now, tell me about this wedding you two are planning. Hindi naman siguro mamasamain kung tutulong ako sa preparasyon?"
Napangiti siya. "Siyempre hindi, Mama." Sinabi niya rito ang plano nilang pagpapakasal muli ni Emilio sa loob ng limang buwan. Hinintay muna nilang makapanganak siya at mag-one year old ang bata bago sila magpakasal muli.
Nagsimulang magplano ang kanyang mama ngunti hindi pa man ay nakikialam na si Maria. Sa pagkakataong iyon ay nakipag-argumento rito ang kanyang mama. Nagkakatinginan na lang sila ni Emilio at nagkakangitian.
Nilingon niya ang kinahihimlayan ng kanyang papa. Salamat, Papa. Sa magandang buhay at sa asawa ko.
"We better talk about the wedding someplace else," wika ni Emilio. "My son needs his lunch."
Sumakay na sila sa SUV. Nakaalalay si Emilio habang nagbe-breastfeed siya, nakatakip ang isang scarf sa kanyang dibdib ngunit nakamasid ito.
"Let's make ten more," anito.
Napatawa siya. Walang problema sa kanya, lalo't isang halik pa lang nito ay tumitirik na ang mga daliri niya sa paa sa mainit na sensasyon. Dinampian nito ng halik ang kanyang pisngi. May hatid na init iyon sa puso niya.
"Thank you for the wonderful life, honey."
Hinaplos niya ang pisngi nito. "No. Thank you."
BINABASA MO ANG
Traje de Boda 3: Nora (COMPLETED)
RomanceThird book of the series. Available sa ebookstore ng PHR.