Chapter 37

9.5K 362 25
                                    

Imu-mute ko ang mga magpapa-update. Be warned. I don't care how you say it. Sinabi ko na kasi na ayoko ng ganoon pero parang hindi naman maintindihan. So para wala tayong problema, mute ko na lang ang makulit. I don't understand what is wrong with people. I was about to update, when I saw someone post around 8 or 10 troll messages. I mean, thanks that you went out of your way to create a fake account just to troll me kasi inis na inis ka sa akin dahil ayaw ko ng nagpapa-update? Hahaha! Anong klaseng buhay naman at galit sa dibdib ang mayroon ka para gawin pa ang ganyan?

I don't necessarily like rules, but since this is my page, therefore I am queen here, you need to RESPECT my wishes. Lalo na kung wala naman akong iginigiit sa readers. May requirement ba ako bukod sa huwag makulit? Wala naman, 'di ba? Iyong simpleng request ng tao, na napakadaling gawin, hindi pa rin magawa? Ay, ano na?

'Yan po ang bago nating sistema. May warning na, ha? This takes effect from this day on. Thanks.

___

Umalon ang saya sa puso ni Nora nang matanawan na ang kanyang mga kakambal. Agad siyang kumaway sa mga ito. Hindi pa rin nababawasan ang pagkaglamorosa ni Charo. Si Vilma ay tila parang lalong bumata at ngiting-ngiti rin sa kanya. Kasama ng mga ito ang kanya-kanyang asawa. Agad siyang niyakap ng mga ito nang makalapit.

"Oh, my God! This looks so fun!" bulalas ni Charo.

Nakasuot na siya ng bulaklaking baro at saya. Iyon ang costume ng mga sasayaw para kay Sta. Clara. Ipinakilala niya ang mga ito kay Emilio at sa mga paryentes nito.

"It's great to finally meet you," wika kay Emilio ng asawa ni Charo na si Iñigo.

Nang kamayan ni Emilio ang asawa ni Vilma ay kumunot ang noo nito. "You look very familiar. Have we met before?"

"I don't think so."

"Oh. You are Collin Johnson, aren't you?" Tumango ang lalaki at maging siya ay nasorpresa nang mapuno ng entusiyasmo ang pagkamay dito ni Emilio. For a moment his face was filled with childlike glee and wonder. "It's a pleasure to meet you."

"You read my books?" tanong ni Pio, ang asawa ni Vilma na isang fantasy young adult novelist. Pamilyar siya sa mga libro nito ngunit hindi pa niya nababasa ang mga iyon. At parang wala rin sa karakter ni Emilio ang nagbabasa ng mga ganoon kaya nabibigla siya sa reaksiyon nito.

"Of course. I have them all—all first editions."

"That's great."

Lumapit na sa kanila si Nanay Pining at nagpilit bihisan ang mga kapatid niya. Maraming mga costume para na nakahanda para sa lahat ng gustong sumali sa sayaw. Nilingon niya si Emilio. May ngiti pa rin sa mukha nito at naroon pa rin ang tila batang kasiyahan nito.

"I can't believe I met him," sambit nito.

Hindi niya maiwasang magkomento. "Hindi ko inaasahan na nagbabasa ka ng mga librong pambata."

Bahagya itong sumulyap sa lolo nito, saka ito nagkibit ng balikat. "For a few years I wanted to go to Middle Earth as if it really existed. Lord of the Rings. I... well, this might sound odd, but when I was young I used to sketch—faeries, hobgoblins, the likes. For a while I also considered writing fiction. Fantasy."

Lalo na siyang nabaghan sa sinabi nito. Parang sinabi ng isang batikang abogado na gusto na nitong maging isang magnanakaw. Ganoon kalayo ang diprensiya ng mga sinasabi nito para sa kanya. "Hindi kaya nilalagnat ka?"

Ngumiti ito. "I know it sounds odd. It was a childhood dream of mine. I could never do it, of course. Writing is not a decent man's profession. Art and literature are for lazy people; they are not for doers, they are for dreamers. And dreamers couldn't influence people in a way doers can," sambit nito, tila nire-recite lang ang isang passage na nabasa nito o narinig.

Traje de Boda 3: Nora (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon