Chapter 29

9.2K 446 54
                                    

"Kindly assist me, Nora," wika ni Emilio.

Wala siyang nagawa kundi alalayan ito pataas sa hagdan. Mukha namang kaya nito, lamang ay may ika talaga ang paglalakad nito.

"Ano ba talaga ang nangyari sa 'yo?"

"I told you, I met a little accident. The doctor said I need to rest for a while."

"Gaano katagal?"

"Kadarating ko lang, parang gusto mo na agad akong paalisin."

"Hindi sa ganoon."

"Great then. I'm only staying as long as I need to. I think I'll stay here. This is your room, right?" anito nang nasa tapat na sila ng kanyang silid.

"Maraming ibang kuwarto na mas malaki—"

"I'd stay here. It's your duty to take care of me and I doubt if you can do that when you're sleeping in a different room. No buts, please. I'm sore all over." Binuksan na ng libre nitong kamay ang pinto at pumasok doon. Inalis nito ang pagkakaakbay sa kanya. Tama ang hinala niyang kaya nitong maglakad. Humiga na ito sa kanyang kama. "I love your bed. I would love it more with you on it."

Inignora niya ang sinabi nito. "Kumain ka na ba?"

"Not yet."

"Ipaghahanda kita ng pagkain."

"Let someone else do that. Don't rush off. Masyado ka yatang nagmamadaling makalayo, may gagawin ka ba?"

Muli ay inignora na lamang niya iyon. "Nasaan ang mga gamot mo?"

"Probably in my bag. Come here, give me a kiss."

"Sa pagkakatanda ko, sa papel lang tayo kasal."

"No shit?"

Hindi niya maunawaan ang ibig palabasin ng lalaki. Hindi niya maunawaan kung bakit ganito ang ikinikilos nito. Hindi ba at noong huling nagkausap sila ay tuwang-tuwa pa ito at parang isang magandang gawain pa ang pasya nitong doon na siya manatili sa hacienda? Ito ang nagbigay-linaw na ganoon lang magsisimula at magtatapos ang relasyon nila.

Ang halik kanina, ang mga sinasabi nito ngayon. Hindi niya ito maunawaan. O baka naman bangag lang ito sa dami ng drogang kailangan nitong inumin para sa mga pasa at sugat nito? Ni ayaw nitong sabihin kung anong aksidente ang nangyari rito. At paano nito naisip na magtungo sa kanya? Bakit doon sa hacienda?

"Naubos na ba ang mag-aalaga sa 'yo sa Maynila?" aniya.

"Can't you pretend you're a good wife?"

Nabubuwisit na siya rito kaya tumahimik na lang siya upang hindi na humaba ang usapan. Hindi nawawala ang katotohanang lamog na lamog ito, kailangan nitong magpahinga. Ngunit kung ibig nitong malaman ang iniisip niya ay simple lang naman iyon. Hindi niya kinailangang magpanggap na mabuti siyang asawa kung naging mabuting asawa ito. Sa katunayan ay naging handa siyang maging mabuting asawa pero ano ang ginawa nito?

"Magpahinga ka na muna."

Hindi na rin ito nagsalita at iniwan na niya ito. Nagtungo siya sa kusina at dahil ubos na ang hapunan ay tinulungan na lamang niya si Marissa na maghanda. Nagsisimula na itong magluto at naroon na rin si Nanay Pining na day off sana ang araw na iyon.

"Naku, eh, kung may maagang pasabi sana ang asawa mo, kanina pa ako nagluto para sa mga tao niya. Alangang paluwasin nating walang laman ang tiyan? Saglit lang naman ito at bagong katay naman ang manok. May daing nab angus din, saglit lang naman iyong iprito," anang matanda. Nasa kawali na ang luya at sibuyas.

Pumasok si Cleto, dala ang umuusok pang bagong-katay na mga manok. "Ayos ka lang?"

Tumango siya, parang nahiya rito. Kanina lang ay sinabi niya ritong matatapos na ang pagsasama nila ni Emilio at ang lalaking iyon ay bigla na lang siyang hinagkan. Gayunman ay parang walang kaso naman dito, marahil dahil alam nila pareho na kahit pagbali-baligtarin ang mundo ay kasal sila ni Emilio.

Hiniwa na nito ang manok, habang si Marissa naman ay nagsalang na rin ng kawali matapos pitasin sa tangkay ang mga dahon ng malunggay. Ang totoo ay hindi niya alam kung kumakain ng ganoon si Emilio. Sa pagkakatanda niya, noong bumisita ang mga ito noon sa kanila ay sa pugon iniluto ni Nanay Pining ang baka at baboy.

Nahiya siyang sabihin sa lahat na hindi niya alam kung ano ang kinakain ng kanyang asawa. Ang alam lang kasi niya, pruo sosyal ang kainan na pinupuntahan nito at lumaki ito sa Amerika. Nagpasya siyang balikan ang lalaki. Nakahiga pa rin ito sa kanyang kama, ang paa ay hindi nakalapat sa kobrekama dahil suot pa rin nito ang sapatos nito.

"Kumakain ka ba ng tinola at daing na isda?"

"Of course."

Tumalikod na siyang muli ngunit natigilan nang marinig ang ungol nito. Tinatangka nitong alisin ang sapatos na hirap itong gawin. Mukhang masakit talaga ang mga binti nito at nang tangkain nitong abutin iyon at napahawak ito sa tadyang nito.

"Help me?" anito, may ngiti sa labi. Hindi niya maunawaan kung nagpapaka-charming ito o nagpapa-cute. Hindi na lang siya nag-react at inalis ang sapatos nito, maging ang medyas.

"Kukunin ko ang tsinelas mo."

"You're very pretty, do you know that?"

Biglang nag-init ang kanyang mukha. "Hindi mo ako kailangang bolahin kung gusto mo lang may mag-alaga sa 'yo."

Lumabas na siya at hinanap ang gamit nito. Nasa sala na iyon. Isa sa mga bodyguard nito ang pinakiusapan niyang magtaas ng maleta ng lalaki sa silid. Nagpasya siyang maghanap na ng damit at tsinelas ng lalaki roon, saka ito nilapitang muli. Naunawaan niya na kailangan niyang tulungan itong magbihis mula ulo hanggang paa at may sumigid na kaba sa dibdib niya.

"Scared, kitten?" tanong ng lalaki.

___

Isa lang ang hiling ko, as in ISA LANG, at iyon ay ang huwag pa-update nang pa-update. Libreng basa at iyon lang ang hinihiling ng manunulat, hindi pa mapagbigyan. Kaya tuloy natatamad na ako mag-update dito. Pero susubukan kong mang-mute ng makukulit at iyong mga panaka-nakang bastos mag-comment. Pasensiyahan na lang, ayokong maging toxic ang Wattpad environment ko para lahat tayo masaya. Thanks.

Traje de Boda 3: Nora (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon