NOTE: I shy away from people who pressure me into do things for them. Kaya na-delay nang kaunti ang update nito dahil nainis ako sa iba diyan na dumadayo pa sa mga page ko para lang magpa-update ng nobela. Meintras akong kinukulit, lalo akong hindi nagpo-post. Remember, I stopped using this app before for almost four years for that reason, among others. Kung gusto ninyong magpatuloy ang nobela, 'wag sanang mangulit. Dahil kapag naasar ako, wala nang update ang mga nobela dito. Wala akong bayad dito, FYI. I can leave this app whenever I want. Of course, I appreciate the nice readers and I realize it's not their fault. Madami din naman sa inyo ang mababait, pero meron at merong makulit.
Walang masama sa pagtanggap ng libre, pero ibang klase naman iyong dadayo ka pa para magpalibre. 'Wag ganoon. Hindi maganda 'yon. Nakakaasar 'yon.
Ang update na ito ay para sa mababait na readers. Hindi ito para sa mga makukulit. Belat.
Salamat.
___
The moment the Lincoln Town Car stopped a small group of people waiting for the man inside it tensed up. There were six people holding their breath for the big boss, Emilio Stanford. Umibis mula sa backseat ng sasakyang minamaneho ng unipormadong tsuper si Emilio Stanford at nagtungo sa direksiyong kinaroronan ng grupo. It was a small group of executives, of highly qualified individuals who can probably run a nation. It was led by Attorney Salvador Te, alumni of Harvard Law School, a wrinkled Chinese man in his sixties who looked like Gandhi. On his left was the bitch on wheels Attorney Tatiana Magno, the lady in black. Katabi naman ng abogada si Mrs. Dominica Herrera. Maliit at mataba ito, maamo ang mukha pero bihirang ngumiti. Mayroon pang dalawang abogado at ekonomista at anak ng matataas na tao sa linunan na miyembro ng grupo.
Ang grupong iyon ay mayroong kasamang extra—siya, si Danica Panganiban, tagasunod ng utos ni Attorney Magno. Silang lahat sa grupo ang nakakaalam kung paano pinapatakbo ng isang tao ang isang monster conglomerate at isang malaking kompanyang pag-aari naman ng mapapang-asawa nitong si Natasha Ortega.
Nakalapit na sa kanila si Emilio. He was tall and very masculine. He walked and moved with elegance, yet every movement he made was very commanding that one would not mistake how big and powerful he was. He had very clean features but his eyes were dark and almost menacing. Alam ng langit kung ilang empleyado na ang nangatal sa pagtingin lamang ng mga matang iyon.
Nagbigay agad ito ng instruksiyon sa lahat. Tumuloy sila sa executive elevator at nang umbis ay tumuloy sa conference room. Nagsimula ang meeting. Isang higanteng project ang ibig nitong simulan at nakahanda na ang lahat para roon. Nakakalula ang proyekto nito para sa Eastern Sun at bilyones ang pinag-uusapan. Matapos ang meeting ay lumabas na si Emilio sa silid.
Nagbalik na siya sa opisina nila ni Attorney Magno at tinambakan siya nito ng gawain. Alas-sais ng hapon ay nagligpit na siya ng gamit niya. May party siyang dadaluhan at baon na niya ang damit at sapatos niya. Ipinatong niya ang kahon ng Jimmy Choo niyang first time gagamitin para sa espesyal na gabing iyon. Excited na niyang inilabas ang sapatos sa kahon.
"Those shoes look lovely."
Agad siyang napatingin sa nagsalita, ang big boss. Kinabahan siya. May epektong ganoon sa kanya ang lalaki, para bang may mali siyang ginawa o gagawin pa lang. Nakaka-intimidate ito!
"S-Sir!" Napatayo siya at nagtangkang magpaliwanag. "I brought these, Sir. Mahirap po kasing umuwi pa."
"It's new?" Kinuha nito ang isang sapatos at pinagmasdan.
"Yes, Sir. I've never used it before." Nababaghan siya sa kilos nito. Huwag nitong sabihing bigla itong maglaladlad? Maraming iiyak na babae. Hindi kaila sa kanya ang dami ng mga babae nito bagaman wala ito ni isang dinala sa opisinang iyon, sa opisina ng Eastern Sun na pag-aari ng pamilya ng fiancée nito. Ngunit may pakpak ang mga ganoong balita, lalo sa tulad niyang palipad-lipad sa malulusog na bulaklak ng impormasyon.
"Would you mind if I took it and paid for it?"
"No, Sir. Of course not," aniya makalipas ang ilang sandali, hindi inaasahan ang sinabi nito. Hinala niya ay may ibang babae itong pagbibigyan noon. Si Natasha kaya? Baka. Pero may nagsasabi sa kanyang hindi.
Tipid itong ngumiti at nag-issue ng tseke sa kanya. Doble ng presyo ng sapatos ang nakasulat doon. Nakatalikod na ito, bitbit ang kahon ng sapatos, bago pa siya nakapagsalita. Nagpasya siyang dadaan muna siya sa mall para bumili ng bagong sapatos... at marahil sa susunod na buwan ay maglalamyerda siya sa Singapore, may budget siya. Salamat sa kung sinomang babaeng pagbibigyan ni Emilio Stanford ng sapatos niya.
BINABASA MO ANG
Traje de Boda 3: Nora (COMPLETED)
Storie d'amoreThird book of the series. Available sa ebookstore ng PHR.