Chapter 6: That's why I'm here

801 37 1
                                    

That's why I'm here..


Almost everyday kami magkatext ni R. Pinigilan ko na siyang tumawag sa opis dahil nahihiya na ako kay Sir Gemer. Baka sabihin, ginawa ko ng personal na telepono. Halos araw-araw din kami magkasabay kumain maliban nalang sa mga araw na nagdadala ng baon si Sir Gemer para kainin namin sa umaga. Alam kong iniisipan na kami ng kung ano ng mga kasama ko pero wala naman sa akin yun dahil wala naman akong dapat na itago sa kanila. Lahat sinasabi ko, na magkatext kami, magkausap sa cellphone, magkasabay kumain ng breakfast at minsan pati dinner dahil hinihintay niya ako sa uwian.

As in wala naman talaga akong nararamdamang something romantic. Hindi pa ako handa at hindi pa rin handa ang puso ko. Hindi ko pa kayang tanggapin na pwede pa ulit akong masaktan. Na pwede pa ulit akong magmahal. And I don’t plan to be in that situation again, ever. Wala din naman sinasabi si R sa akin ng kung anong nararamdaman niya. Minsan, dahil hindi naman ako manhid, alam ko na nagpaparamdam-ramdam siya. Pero ayokong bigyang ng meaning dahil una sa lahat, hindi naman ako assuming o feelingera.

Well, okay naman dahil ngayon, hindi na nasasayang ang load ko. Nakaplan kasi ako at kahit papano, nagagamit ko na siya. Pagkagising palang niya sa umaga, nagtetext na. Hanggang sa pag-alis ng bahay at pagkarating ng school. Hindi ko dinadalasan ang pagpunta sa office nila dahil ayokong isipan ako ng kung ano ng mga staff niya.

Nakakatuwa din siya dahil sa edad na 25, supervisor na ang position. CPA board passer daw siya at graduate na Magna Cum Laude. Kapag nagpupunta ako sa office niya, halata ko sa mga bata niyang staff ang pagkagusto sa kanya dahil kitang-kita mo kung paano nila siya tignan.

Pagpasok ko sa MISD, nakita ko na may pinagkakaguluhan sila sa computer ni Sir Gemer. Umupo lang ako sa pwesto ko at kinuha ang cellphone. Hindi nga ako nagkamali, may text na naman siya. Kagagaling ko lang sa isang laboratory dito sa school dahil meron daw computer na ayaw magboot. Naayos ko din naman agad kaya wala pang 20 minutes nakabalik na ako.

Galing ako sa 4th floor lab. Sorry late reply. Nakalimang text na pala siya kung ano daw ginagawa ko at kung bakit hindi daw ako nagrereply. Agad din naman siyang nagreply. Yung tipong hinihintay niya talaga ang reply ko at nung meron na, nakapagreply agad siya.

R: Ah okay. Busy ka pala. Nakaabala ba ako?

 

J: Hindi naman. Tapos naman na. Nandito na ako sa MI.

 

R: Oh, good. Nagmiryenda ka na?

 

J: Yes. Kasama ko sila. Kumain kami kay Mang Mags.

 

R: Buti type mo yung siomai dun?

 

J: Naman! Sa tinagal ko dito, palagi dun kami kumakain. Sa simula ka lang maninibago. Kapag nagtagal, hahanap-hanapin mo na yung lasa niya.

 

R: Sige, minsan dun tayo kain miryenda. Sama ako sa inyo.

 

“Juls! Halika nga dito. Puro ka text diyan eh!” Tawag ni Jen sa akin.

“Ano ba pinagkakaguluhan niyo diyan?” Lumapit ako sa kanila. Nakita kong may tinitignan silang bundok. “O anong meron sa bundok na yan?”

 

“Maghahike daw sila Sir Henry ng registrar.”

 

Suddenly, it's magic (BOOK one: COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon