Chapter 20: Without seeing him hurt

468 25 3
                                    

Without seeing him hurt...

Kinabukasan, hindi ko na naman nagawang makapasok.Hanggang sa sunod na araw at sa susunod pa at sa susunod pa. Nagkasakit si Joward at dahil attach na attach siya sa akin ngayon, gusto niyang nasa tabi lang daw niya ako. Hindi ko magawang tumanggi dahil nahihiya ako kay Tita Beth. Siya na rin mismo ang nakiusap sa akin para tumigil muna sa kanila. Isang linggo ang nakalipas. Ang ipinagpaalam ko nalang ay basta naka vacation leave ako. Alam kong marami na akong utang na kwento sa mga kaibigan ko.Siguradong pinupuntahan nila ako sa bahay pero mag-iisang linggo na rin akong wala dun.

Sa totoo lang, bagot na bagot ako at hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit. Noon, kahit na buong araw na nasa bahay lang ako basta kasama ko si Joward, Masaya na ako. Feeling ko kumpleto ang araw at ang bilis lumipas. Pero ngayon,  one week felt  like one month.

Nauurat ako sa araw-araw na ginagawa ko dito. Luto ng agahan, dalan siya sa kwarto, tulungan sa paglilinis ng sarili, painumin ng gamot. Tapos, hintayin makatulog. Pagkagising, ganun ulit. Sinong hindi mababagot. Oo,kung noon, okay lang. Pero ngayon, nakakabaliw. Nakakaloka. Gusto ko ng pumasok sa opisina. Gusto ko ng magtrabaho ulit. Gusto ko ng… hindi.. hindi.. basta, gusto ko lang makaalis na dito.

“Julie!” Dali-dali naman ako pumanik ng tinawag niya ako.

“O, bakit?” Nakatayo na siya sa may  pintuan. Mas maaliwalas na ang mukha niya ngayon kesa nung mga nakaraang araw. Medyo nabuhayan naman ako ng loob dahil makakauwi na rin ako sa wakas.

“Akala ko umuwi ka na.”

 

“Mahiga ka na nga muna. Mamaya mabinat ka niyan.”

 

“Mas okay para hindi ka na umuwi.”

 

“Ang clingy mo. May sakit ka nga talaga.” Natatawa kong sabi sa kanya.

“Bakit ba ayaw mo maniwala sa akin?”

 

“Na ano?”

 

“Na ganito na ako ka-clingy sa’yo.”

 

“Oo na. Sabi mo eh.” Tinulungan ko siyang humiga. “Joward. Uuwi na ako mamaya.” Umupo ulit siya nang marinig ang sinabi ko.

“Ha? Hindi pwede. Dito ka na muna.”

 

“Hindi din pwede. Isang linggo na ako dito. Bukas may pasok na ako.”

 

“Bakit kasi hindi mo kinuha yung gamit mo tapos dito ka na manggaling.”

 

“Masyadong malayo tong lugar niyo sa UE.”

 

“Bakit naman noon? Dito ka din nanggagaling diba?”

Suddenly, it's magic (BOOK one: COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon