Chapter 16: Is it real?

557 27 0
                                    

Is it real?

Nung una ko siyang makita, sobrang naaartehan ako sa kanya. Para kasing gandang-ganda siya sa sarili niya. Hindi niya alam na kaya ko siya tinitignan  ay dahil sa pantalon niyang baligtad.

Ano ba namang klaseng babae toh? Hindi ba to tumitingin sa salamin niya? Nakakahiya siya. Sabihin ko na kaya? Hindi wag na! Baka ano pa isipin niya.

 

Pero hindi ko din naman napigilan dahil naaawa ako. Oo, maganda naman siya pero hindi ganun kaganda sa tingin niya na akala niya kaya ko siya tinitignan kasi minamanyak ko siya. Nung sinabi ko na sa kanya, totoo nga. Akala niya manyakis ako kaya ko siya pinapupunta ng CR. Lumapit tuloy ang guard kaya napaalis kami sa pwesto namin.

Nung nakita ko siya ng harapan, lalo akong namangha dahil totoo nga ang feeling kong feeling niya. Maganda talaga siya. Magandang-maganda. Yung mahaba niyang buhok na may pagkakulot sa ilalim, yung magaganda niyang mga mata. Ang napansin ko lang, parang malamlam yun. Para Pero hindi ko pinahalata na yun ang nakita ko sa kanya. Nang sabihin ko na na baligtad ang pantalon niya, umalis na ako sa harapan niya at hindi nalang itutuloy ang pag-alis.

Pagkatapos ng araw na yun, hindi na kami ulit nagkita. Nagpupunta ako sa LRT ng ganun din na oras pero wala akong natyetyempuhan na siya.

Sayang! Bakit ba hindi ko kinuha yung number niya? Hindi ko man lang tinanong ang pangalan? Hindi ko man lang nalaman kung taga-saan?

Ang laking panghihinayang ko. Nang bumalik ako sa pupuntahan ko na interview dapat nung araw na nagkita kami, tinanggap ko na ang inaalok nilang posisyon. Kapag nasa opisina ako, tinitignan ko ang friends ng mga friend ko sa Facebook. Para nga siguro akong engot dahil naghahanap ako ng taong hindi ko naman alam kung paano ko hahanapin. Napakalaking imposible na magkita kami ulit pero yun ang hinihiling ko. Ang laki-laki ng Pinas, sa laki nito, paano ko siya mahahanap? Sa dami ng may Facebook Account, paano ko yun maiisa-isa? Ito na ang pinakamalaking kalokohang nagawa ko sa buhay ko. Hanggang sa pag-uwi ko sa bahay, facebook pa rin ang hawak ko. Ultimo nga friends ng friends ko, iniisa-isa ko.

Ilang buwan ko ding ginagawa yun ng walang kasawa-sawa. Ang tanging kinasawaan ko ay yung pinagtrabahuhan ko. Umalis ako dahil masyado ng matindi ang pulitika. Hindi ako sanay sa siraan ng bawat isa. Hindi ako sanay na nakikipagplastikan. May  mga kaibigan ako na sinisiraan yung isa kong kaibigan. O kaya naman, may boss na sinisiraan yung isang boss. Hindi ko maintindihan kung ano ang napapala nila kapag ginagawa nila yun. Kung nagiging masaya ba sila kapag akala nila nakakuha sila ng kakampi sa kausap nila. It’s like they’re corrupting the minds of innocent ones. At sa sobrang kainosentihan, nagpapauto. Sumasang-ayon. Ako? Hindi ko matagalan. Mahalaga sa akin ang trabaho ko, pero para sa akin, mas mahalaga kung masaya ba ako sa trabaho ko. I’ve decided to resign. Ayaw pa nila akong pakawalan but I insisted.

Sunod kong interview ay sa isang eskwelahan. Natanggap agad ako dahil sakto namang naalis ung dating Accounting Supervisor. Ilang araw din akong busy sa bago kong work place kaya hindi ko na nagawang makapag-facebook para hanapin siya.

Pagkapasok ko isang araw, hindi ko alam kung bakit yung computer ko ayaw magbukas. Itinawag ko agad sa MISD. Tinuruan ako ng kausap ko ng mga simpleng troubleshooting kaya lang wala talaga akong alam sa computer. Ang alam ko lang ay gumamit, kapag nagkaproblema, kulelat na ako. Bigyan mo nalang ako ng maraming-maraming accounting problems kesa magkalkal ng computer. Sinabi sa aking ng kausap ko na magpapadala nalang siya ng tao sa opisina ko para ayusin yun. Jules daw ang pangalan.

Suddenly, it's magic (BOOK one: COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon