Chapter 11: It will be alright

573 29 0
                                    

It will be alright..

Mas madali talaga ang bumaba kesa ang pumanik. Feeling ko ang bilis ng oras. Hindi na rin ako ganun nilamig nung nagpalipas kami ng gabi. Ang saya na ang lungkot. Ang saya dahil nakatapos ako. Ang lungkot dahil uuwi na naman ako. Sana palagi ko nalang silang kasama para hindi na naman ako makaramdam ng pag-iisa.

Nanatiling normal ang mga araw ko. Palagi pa rin kami magkausap ni R at magkatext.

“Juls. Gising ka pa?” Sabi ni Jen nang maisipan niyang magovernight sa bahay. Bukas kasi may lakad kami ng mga kaibigan ko. Tama. Sinisimulan ko ng baguhin ang buhay ko. Sinisimulan ko ng ibalik yung dating ako.

“Hmmm?”

 

“Gising!”

 

“Ano ba yun?”

 

“Anong meron sa inyo ngayon ni R?”

 

“Wala. Magkatext. Magkatawagan. Ganun. Eto naman, yun lang pala sasabihin, mang-iistorbo pa ng tulog eh.”

 

“Ah. Ganun lang? Bakit ayaw mo ba sa kanya?”

 

“Tulog na tayo. Maaga pa bukas.”

 

“Sagutin mo na kasi.”

 

Hinarap ko siya bago nagsalita. “Hindi sa ayaw Jen. Mabait si R. Sobra. Napaka-maaalalahanin pa. Kaya lang, ayaw ko siyang gawing rebound. Nasa process pa ako ng pagmo-move-on.”

 

“Ganun?”

 

“Oo. Bakit mo ba tinatanong?”

 

“Wala lang. Sayang kasi siya. Huwag mo ng pakawalan. Sige ka, ako ang kukuha!”

 

“Seryoso?” Napadilat ako sa sinabi niya.

“Joke lang. Ito naman.”

 

“Abnoy ka talaga. Matulog ka na. Kung ano-ano iniisip mo diyan.”

 

“Wala lang. Naisip ko lang naman na ang gwapo gwapo pala niya at ang swerte swerte mo. Kailan kaya darating yung sa akin? Paano kaya kung ako ang unang nagpunta dun sa office niya at hindi ikaw?” Tumawa siya.

“Hoy. Antok lang yan. Itulog mo na nga yan. Goodnight Jen.”

 

Suddenly, it's magic (BOOK one: COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon