Chapter 43 : Rainbow

467 19 0
                                    

Rainbow...

Yes, Julie. Yes? Para saan? Tanong ba yun o sagot na? Dahan-dahan kong inalis ang kamay ko na nasa mukha ko. Nakatitig lang siya sa akin nang nakangiti.

“Anong Yes, R?”

 

“Yes. I mean, I still love you, Julie. Hindi nagbabago yun. Niloloko lang naman kita sa pagtanong ko sa’yo kung ano ba ang sasabihin mo. Hindi naman ako manhid para hindi ko maramdaman kung ano yung gusto mong sabihin. Hindi naman ako manhid na tulad mo noon.”

 

“Nang-aasar ka ba?”

 

“Bakit? Hindi ka ba manhid?”

 

“Oo na.. Sige, panalo ka na.”

 

“So, tama ako? Na yun ang gusto mong malaman?”

 

“Kaso R.. Pano si Jen.”

 

Sumandal siya sa upuan niya ulit. “Maiintindihan naman siguro niya. Alam naman niya na ikaw ang mahal ko, noon pa man.’

 

“Siguradong magagalit siya sa akin.”

 

“Haven’t you consider that bago mo ako kausapin?”

 

“Hindi. Naisip ko naman na. Sinasabi ko lang.”

 

“Akala ko ngayon mo lang na naman iniisip eh.” Hinawakan niya ang kamay ko. “Julie, wala ng bawian ha!” Ngumiti siya.

“Sa tingin mo ba magmumukha akong tanga na ganito kung babawiin ko pa?“ Ngumiti din ako.

“Bakit biglang nagbago ang isip mo? Alam mo ba nung huling beses kitang makita sa bar at sinabi mo sa aking huwag na ikaw, hindi ko alam ang gagawin ko. Nang puntahan naman kita kinabukasan, wala ng tao sa apartment mo.”

 

“Umuwi ako agad ng probinsya eh.”

 

“Oo nga daw sabi nila Sir Gemer. Sabi nga nila baka daw matagalan ka dun kaya nagulat ako nang sabihin ni Jen na nakabalik ka na daw.”

 

“Oo dapat.”

 

“Eh bakit naging hindi?”

 

“Kasi nga.. ayun.. Marami akong napagtanto.”

Suddenly, it's magic (BOOK one: COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon