Chapter 27 : We're quits

483 22 4
                                    

We're quits..

I am so angry. So so angry. Gusto kong manapak! Gusto kong magwala! Pero kinuyom ko nalang ang mga kamay ko para hindi na sumabog ang kung ano man na nararamdaman ko na to. T*ng-ina! Sino ba ang hindi magagalit dun? Hahalikan niya si Julie? T*ng-ina! Yun nga lang kanina na sa pisngi hinalikan, muntik ko ng sugurin tong Kevin na to para makita niya yung hinahanap niya eh!

Oo. Nagseselos ako. Nagseselos ako ng sobra-sobra na hindi ko alam kung saan ko ilalagay ang sarili ko. Parang gusto kong itakas nalang si Julie dito at lumayo nalang kaming dalawa. Sinasabi ko na nga ba eh. Kaya ayokong maging malapit sa kanya dahil sa ganitong thinking ko. Nakakagago! Nakakabobo!

Yung nalaman ko na baboy-ramo yung ipapakain sa kanya, gusto kong kumontra dahil alam kong ayaw ni Julie ng mga exotic foods. Kaya lang, ayokong ipakita sa kanila na affected ako. Aba! E kung alam ko lang na ganito ang makikita kong eksena nilang dalawa? Naghahabulan? Naghaharutan? Dapat pala sinabi ko nalang! Sabihan na nila akong KJ! P*tang-ina talaga!

Hindi ko alam kung saan ako lulugar. Alam kong alam ni Jen kung ano ang ikinagagalit ko ngayon, pero wala na akong pakialam. Basta galit ako!

Naramdaman ko nalang ng hinawakan ni Jen ung mga nakakuyom kong kamay. Nakakonsensya pero kapag ganitong pakiramdam, hindi ko alam kung paano ko ihahandle. Si Julie ang kauna-unahang babaeng nakaagaw ng atensyon ko. Nagkakagirlfriend ako pero hindi naman seryosohan. Puro pampalipas-oras lang dahil alam ko naman na para din sa mga nakarelasyon ko, ganun lang din ako.  Mula ng makita ko siya doon sa LRT, nagbago ang lahat ng yun. Kaya pati itong nararamdaman kong matinding selos, ay bago rin sa akin. Hinilig ni Jen ang ulo niya sa balikat ko. Hanggang ngayon, nakatingin pa rin ako sa nakatalikod na si Julie sa akin.

Halos naging tahimik sila sa loob ng sasakyan. Nagsasalita man pero hindi na tulad ng kanina. Alam kong nahalata nila kung bakit ako nagkaganun kaya naging ganito na ka-awkward ng sitwasyon.

Sa viewdeck kami sunod na nagpunta. Ang ganda at ang sarap ng simoy ng hangin. Kita mo ang mga bundok. Nagkuhaan sila ng picture pero wala ako sa mood kaya panay nalang ang selfie ni Jen. Sa isang buwan na naging kami, alam na niya kung kailan ako galit at wala sa mood na makipag-usap. Mga sampung minuto lang ang tinagal namin dun at umalis na kami.

Nang makarating kami sa sinasabi ni Sir Gemer na ranch, ayoko na sanang bumaba kaya lang pinilit ako ni Jen. Pinag-alis kami ng sapatos bago makapasok. Nagbayad si Sir Gemer para sa entrance namin pero hindi ko na narinig kung magkano dahil hanggang ngayon, nandito pa rin yung inis ko sa nangyari kanina. Pagpasok naming sa bahay, nakita ko agad ang magarbong sala. Sa dingding nun ay yung picture ng late Housespeaker Mitra. May Christmas Tree na rin sa gilid pero ang nagpahanga sa akin ay yung malaking orasan. Iyon pa yung mga orasan dati bago pa mauso ang mga wall clock. Hindi ko na nga alam ang tawag dun eh. Lumapit ako dun para tignan mabuti ang detalye. Tantya ko, nagkakahalaga yun ng ilang libong piso.

“R! Picture-an kita diyan?”

 

“Huwag na. Tinitignan ko lang.”

 

“Sige na..” Ngumiti siya. Hindi naman na ako nagpilit na huwag na. Tumabi ako sa orasan at ngumiti. “Doon, upo ka sa sofa!”

Suddenly, it's magic (BOOK one: COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon