Chapter 14: What the?!

537 26 0
                                    

What the?!

Ilang araw ko ding inisip ang mga nangyari at kung ano na ba ang gagawin ko. Hinintay ko magtext o kaya naman ay tumawag si Joward pero walang dumating. Pinagtitripan na naman ba niya ako? PInaglalaruan na naman ba niya ako? Ayos na kasi eh! Bakit kailangan pa niyang magsalita ng ganun?

Wala ni isa sa mga kaibigan ko ang pinagsabihan ko ng nangyari. Tanging kaming dalawa lang ni R ang may alam. I’m very very sure na kapag nalaman nila, they’ll get mad at me. Ako na yata ang pinakatangang babae sa mundo. Ako na yata ang pinakamartir na girlfriend.

Kaya lang, paano si R? Alam kong may kakaiba na sa pagtingin niya sa akin. Nararamdaman ko yun. At ngayon, alam kong nasasaktan ko siya. Kung wala na talaga si Joward sa akin, bakit palagi ko pa rin syang naiisip. Bakit kailangan ko pang pag-isipan kung ano ba ang gagawin ko? Hindi ba kung ayoko na sa kanya, ang sagot lang ay wala na akong balak na balikan siya? Pero bakit kahit sa isip ko, hindi ko magawang sabihin na ganun ang gawin? Mas sinasabi pa na, isang sorry lang, babalik na ako sa’yo. Ang tanga. Ang tanga, tanga.

“Juls. Ikaw na ba sa Accounting Department? Yung isang staff dun, ayaw daw gumana nung mouse.“

 

“Sige, Sir. Ako na po ang bahala.” Nagdala na rin ako ng mouse para kung sakaling iyon ang may diperensya, hindi na ako babalik dito para palitan.

Naglakad na ako papunta sa Accounting. Dala ko ang cellphone ko dahil, oo, may hinihintay akong text o tawag.

“Good Morning. Sino po ung may problema sa mouse?” Lumabas agad si R sa cubicle niya ng nakangiti. Ngumiti din ako. “Good morning din sa’yo Sir R.” Ang sabi ko sa kanya, kapag kaharap ang ibang tao, kailangan formal pa rin ang tawag namin sa isa’t-isa. Siya, Sir. Ako, Ma’am.

“Good Morning Ma’am. Diyan kay Elrene, pakitignan nalang.”

 

“Okay.” Lumapit ako sa cubicle niya. “Palapag muna, Sir ha. Silipin ko sa ilalim.”

 

“Sige.” Inilapag ko ang cellphone ko at mga tools pati mouse na dala.

Sinubukan ko muna yung mouse pero ayaw nga talaga. Inalis ko ang pagkakakabit nun sa likod ng CPu at binalik ulit pero ayaw pa rin. Sunod kong ginawa ay inalis ulit yun pagkatapos, nagrestart. Nung bumukas na, ikinabit ko na ulit. At yun, umayos na.

“Okay na po?”

 

“Okay na ma’am pwede ka na gumawa ulit.”

 

Lumapit na ako sa pwesto ni R para kuhain ang mga gamit ko.

“Nagbreakfast ka na?”

 

“Hindi pa nga eh. Wala pa kasi sila, nakadeploy pa sa isang lab. Si Jen naman--” Natigil ako sa pagsasalita ng tumunog ang cellphone ko. Sabay kaming napatingin sa number na tumatawag. “Excuse lang R ha?” Kinuha ko yun at sinagot.  “Hello? Hello?”

Suddenly, it's magic (BOOK one: COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon