Chapter 25: Memories of Past

518 22 0
                                    

Memories of Past...

Pagkatapos namin magbreakfast, may tinawagan si Sir Gemer na tao. Nag-abang kami sa labas at maya-maya lang, dumating na ang isang van. May kaibgan pala si Sir Gemer dito kaya nagbayad nalang siya para may magamit kaming sasakyan.

Sa passenger’s seat si Jeremiah. Sa gitna na tabi ng bintana si Julie katabi si Kevin at Michael. Sa likod ako, si Jen at Nikko. Sa tabi din ako ng bintana kaya ang nasa harapan ko ay si Julie. Bakit kaya ganito ang nararamdaman  ko? Kahit buhok niya parang kinikilig ako? Ang pangit pakinggan sa isang lalaki na tulad ko, pero ganun talaga eh. At least, sa sarili ko lang inaamin.

“Biyahe muna tayo papunta dun sa Ranch ni late Housespeaker Mitra. Kilala niyo pa ba siya?”

 

“Sino yun Sir?”

 

“1989 kayo halos mga pinanganak noh? Hindi niyo na nga siguro maaalala.Si de Venecia na ang naabutan niyo na Housespeaker sigurado.”

 

“Yun sir kilala ko.” Sagot ni Julie.

“Basta magaling yun. Tumakbo pa ngang President nung year 1992 yun eh. Mga baby pa kayo. Dating hindi open yung Ranch niya for public viewing, ngayon open na kaya samantalahin na natin. Pero bago tayo magpunta dun, biyahe muna tayo papuntang Sabang. Dun din naman tayo dadaan bukas kaya lang mas okay kung magbiyahe tayo ng tayo-tayo lang. Para marami kayong picture”

 

“Let’s go!” Sigaw ni Kevin sabay akbay kay Julie. Hindi ko alam kung anong meron bakit palagi siyang umaakbay kay Julie. Kahit dati pa napapasin ko yun. Ayoko nalang sabihin sa kanya dahil baka magalit kasi sa kanya nga parang wala lang eh.

Buong biyahe lang puro sila kwentuhan. Ako naman,sa bintana lang nakatingin. Nakasandal ang ulo ni Jen sa balikat ko at nakaalalay naman ang kamay ko para hindi masyado siyang maalog.Ang sarap talaga ng simoy ng hangin kapag nasa probinsya. Maamoy mo ung mga halaman at hindi polusyon.Tumagal din ang biyahe ng isang oras at nakarating kami sa isang bundok na may kakaibang rock formation.

Bumaba kaming lahat. Nakita pa namin na dito ginanap ang Amazing Race Philippines noong December. Karst Mountain ang tawag dun. Nakakaamaze yung itsura ng bundok. Nagkuhaan na sila ng picture. Si Jen naman itinaas na ang cellphone para sa selfie naming dalawa. Napunta ang tingin ko kay Kevin na nakaakbay kay Julie habang si Julie naman ay nakakapit ang kamay sa bewang. Kung titignan mo sila,para silang magboyfriend kung hindi ko lang kilala.

“R! Hindi ka naman nakatingin eh.”

 

“Ay sorry. Ang ganda kasi ng bundok.” Yun nalang ang sinabi ko.

“Smile!” Ngumiti ako. Pagkatapos ng isang kuha, bumalik ang tingin ko sa kanila. Nakasampa naman sa likod ngayon ni Kevin si Julie. Shit! Ano ba toh?!

“Gusto mo magpicture dun?”Tumango ako. Sana hindi niya nahalata kung sino ang tinitignan ko. “Kuhaan niyo kami!” Sigaw niya sa mga kasama niya. Pagtingin ko kay Julie, nakayuko na siya. Tumalikod at kinuhaan nalang ng picture ang paligid. Agad naman lumapit si Kevin sa kanya at nagselfie naman silang dalawa. Anong bang meron sa kanila? T*ng-ina! Bakit ba ganyan sila kaclose?!

Suddenly, it's magic (BOOK one: COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon