Chapter 39 : Left behind

459 18 0
                                    

Left behind....

Sabi nga nila, nasa huli ang pagsisisi. Gasgas na ang kasabihan na yun. Kung saan-saan at kung sa kung ano-anong paraan na nagamit. Luma na. Kung minsan nga eh nakakainis ng marinig at nakakabobo. Pero bakit feel na feel ko pa rin siya? Ganun ba talaga kapag nakakarelate ka talaga? Kapag ikaw yung nandun sa sitawasyon na yun? Siguro nga. Pero anong magagawa ko? Tapos na eh. Hindi na natin pwedeng ibalik yung oras na nakalipas na. That’s it! Heto ako ngayon, mag-isa na naman.

Nagleave ako at umuwi muna sa probinsya. Hindi ko kaya yung ganitong pakiramdam. Mas masakit pa yata to kumpara nung naghiwalay kami ni Joward. At yun ang hindi ko rin maintindihan kung bakit. Kung dahil ba sa pangalawang pagkakataon ay iniwan na naman ako o dahil sa desisyon kong tuluyan ng layuan si R.

“Julie, anak. Hindi na kita natanong kagabi kung bakit bigla-bigla ka nalang nauwi dito. Ano ba ang nangyari?”

 

“Nanay wala lang naman po . Namis ko lang dito. Namis ko ung preskong hangin. At syempre namis ko po kayo.” Tumayo ako at lumapit sa kinauupuan niya. Niyakap ko siya. Ayokong sabihin sa kanila ang problema ko dahil ayokong mag-alala sila sa akin. Kaya ko tong mag-isa. Kakayanin ko.

Pagtingin ko sa mukha niya, titig na titig lang siya sa akin. Alam ko naman na malakas ang pakiramdam ng nanay ko. Natural, galing ako sa kanya. Alam na alam nya bawat hilatya ng pagkatao ko.  

“Bakit naman po ganyan kayo makatingin sa akin?”

 

“Ano ba talagang nangyari anak?”

 

“Wala po ‘Nay. Okay na okay po ako!” Nginitian ko siya pero hindi pa rin siya ngumiti pabalik sa akin. Unti-unti ko ng nararamdaman yung kirot sa dibdib ko. Yung bigat na nararamdaman ko. Nawala ang ngiti ko at nagsimula ng lumabas ang luha sa mata ko.

“Sinasabi ko na nga ba eh!”

 

“Nay wag po kayong maingay baka marinig po ni Tatay.” Sabi ko habang humihikbi.

“Ikwento mo sa akin anak. Anong nangyari sa’yo sa Maynila?”

 

“Nay, hiwalay na po kami ni Joward.” Natahimik siya. “Nay!”

 

“Hindi ba matagal na kayong hiwalay? Di ba nasabi mo na yun sa akin?”

 

“Opo. Pero nagkabalikan po kami. Hindi ko nalang po sinabi sa inyo.”

 

“Kailan pa?”

 

“Ilang buwan na rin po nakalipas.”

Suddenly, it's magic (BOOK one: COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon