Chapter 34 : I love you too

459 21 1
                                    

9:30 palang nakababa na kami mula sa eroplano. Lahat kami tulog sa biyahe dahil sa pagod mag-ikot ikot bumili ng mga pampasalubong. Marami rin ako nabili dahil 90 pesos lang isa nung mga tshirt na puti at may tatak na Palawan. Pati mga keychain, puro mura lahat. Uuwi kasi ako sa probinsya kaya marami akong dinala para sa kanila.

Nang lumabas kami, nakita ko agad ang sasakyan ni Joward na naghihintay.

“Julie!” Sigaw niya kaya lahat kami napalingon.

“O, nandiyan na pala ang sundo mo.” Sabi ni Michael.

“Sige ha? Una na ako sa inyo. Ingat kayo.” Nagpaalam ako at nilapitan si Joward. Agad niya akong inakbayan at hinalikan sa noo.

“Mis na mis kita. Sa bahay ka uwi diba?” Tumango ako. “Hinihintay ka din ni Mommy.”

 

“Gising pa siya?”

 

“Oo. Sinabi ko kasi na sa bahay ka uuwi. Magluluto daw siya ng midnight snack natin.”

 

“Wow ha. E paano kung tumanggi ako?”

 

“E di hindi ka makakatanggi kasi hinihintay ka ni Mommy.” Sabi niya ng natatawa.

“Abnoy ka talaga.” Lumapit siya at hinalikan ako sa labi. Ganito siya kasweet noon. Ewan ko lang kung magbabago pa ba siya kapag nagtagal-tagal ulit kami.

“Ano binili mong pasalubong sa akin? Nag-enjoy ka ba?”

 

“Bumili ako ng tshirt mo pati kay Tita Beth. Hindi nga masyado kasi ang ulan dun. Dito ba umulan?”

 

“Hindi. Sobrang init nga ng panahon eh.”

 

“Sayang naman. Hindi tuloy kami nakapunta ng underground river.”

 

“Oo nga, sayang nga. Hindi bale. Kapag natapos tong ginagawa ko sa shop, punta tayong dalawa dun. Gusto ko rin naman magpunta dun.”

 

“Aba, e kung ililibre mo ba ako, oo agad ako diyan.”

 

“Oo naman. Libre kita.”

“E di go!” Nagtawanan kaming dalawa. Marami pa akong ikinuwento sa kanya. Inialis ko nalang sa isip ko si R. Dapat ngayon, sanayin ko na ang sarili ko na alisin siya sa buhay ko. Kailangan kong tuparin ang sinabi ko kay Jen at ayokong masaktan ko siya.

Masakit man sa dibidb. Labag man sa kalooban ko, kailangan ko yung gawin. Paano kaya kung noon ko pa to naramdaman kay R? Siguro kami ngayon. Siguro, mas masaya ako. Ang hirap pala talaga kapag ang kaibigan mo ang magiging karibal mo noh? Kailangan mong igive-up kasi ikaw yung mas nakakaintindi. Ikaw yung mas may experience when it comes to love. Ikaw yung nakaranas ng masaktan at nakasurvive. Iniisip ko kasi kung paano kapag si Jen ang nakaranas ng naranasan ko nung naghiwalay kami ni Joward. Hindi ko alam kung hanggang saan si Jen. Hindi ko alam kung makakayanan niya. Kaya mas mabuti na ang ganito. Ang huwag iparamdam at iparanasan sa kanya yung mga yun.

Suddenly, it's magic (BOOK one: COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon