Chapter 36 : Is she pregnant?

465 21 3
                                    

Is she pregnant?...

Nang mag-alas singko na, nagpaalam na ako sa kanila na uuwi na ako. Paglabas ko ng gate, nakita ko agad ang sasakyan ni Joward doon.

“Haaay! Tinatamad talaga ako. Kaya lang magtatampo na naman to kapag binawi ko yung pangako ko. Bahala na nga!” Nakita kong bumaba siya ng sasakyan niya. Nakangiti na agad malayo palang ako.

“Aga ko noh?”

 

“Oo nga, nakakapanibago ka talaga!” Sabi ko ng nakangiti. Pilit.

“E syempre sabi ko naman sa’yo babawi ako. Tara na!”

 

“Teka, saan ba tayo pupunta?” Tanong ko sa kanya pagkapasok namin ng sasakyan niya.

 

“Wala, magdedate lang.”

 

“Tignan mo naman suot ko, magdedate tayo?”

 

“Okay lang yan. It’s not what you’re wearing, it’s in the face. Ang ganda-ganda kaya ng Julie ko.” Matapos sabihin yun ay kumis sa pisngi ko.

“Hmp! Bolero!”

 

“Totoo naman noh!”

 

“Oo na. Sige. Tara na.”

 

Nagpakwento lang siya ng nagpakwento kung ano ba ang nangyari sa akin nitong nakalipas na mga oras. Wala naman ako gaanong makwento dahil wala naman talaga gaano nangyari. Nang makarating na kami sa SM North Edsa, madali kami nakahanap ng parking space. Wala naman gaano tao dahil weekdays.

Hinawakan niya agad ang kamay ko nung makalapit na kami.

“Saan mo gustong kumain?”

 

“Kahit saan.”

 

“Mamaya niyan dalhin kita sa--”

 

“Tse! Abnoy ka talaga!”

“Hindi nga, saan mo gusto? Gusto mo ba Buffet?”

 

“Hmm... Pwede din.”

 

“Okay. Yakimix tayo!”

 

“Sige!” May limang tao pa bago ang slot namin. Naupo nalang kami at naghintay ng turn. Siya naman ang panay ang kwento sa mga napanood niyang movie habang nasa Palawan ako. Wala naman daw kasi siyang ibang magawa kaya puro noon nalang daw siya.

Suddenly, it's magic (BOOK one: COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon