Chapter 30 : Wake her up

453 25 1
                                    

Wake her up...

“Tara na Juls! Dami mong arte! Hindi naman malamig yung tubig!” Sigaw sa akin ni Kevin dahil nakaupo pa rin ako at ayaw maligo. Para kasing ang lamig niyang tignan at baka manginig lang ako.

“Ayoko. Kayo nalang. Picture-an ko nalang kayo!” Sigaw ko pabalik sa kanya. Nasa pool na silang lahat maliban kay R. Mamaya na daw siya lalabas sabi ni Jen. Ano kayang ginagawa niya ngayon? Bakit kaya ayaw niyang lumabas?

“Arte mo talaga kahit kailan!”

 

“Oo na! Ikaw na ang hindi!”

 

“Halika na sabi dito eh!”

 

“Ayoko nga! Kung hindi ka ba naman isa’t kalahating makulit eh!” Tinalikuran ko sila para kuhain ang cellphone ko. Magvideo call nga pala kami ni Joward. Siguro naman nakamove-on na yun sa tanong niya sa akin kanina.

“Ah ako makulit ha!” Nagulat ako dahil nasa likod ko na pala si Kevin. Langya, parang alam ko na kasunod nito. Binuhat niya ako. “Ano ba Kevin! Mababasa cellphone ko! Ibaba mo nga ako!”

 

“Nikko! Kuhain mo nga cellphone niya.” Inagaw sa akin ng tatawa-tawang si Nikko ang cellphone kaya si Kevin diretso na naglakad sa gilid ng pool.

“Bwisit ka talagang Kevin ka! Malalaim ata dito! Pwede ba huwag dito!”

 

“Kung hindi ka naginarte kanina, e di sana sa mababaw ka. O Jen! Picture-an mo na kami!”

 

“Sige, ready na ako.” At may plano ang mga loko. Nasa kabilang dulo si Jen at hawak ang DSLR.

“Isa, dalawa, tatlo!” Sigaw ni Kevin bago tumalon kasama ko dahil sa bitbit niya ako. Walang tigil ako sa pagtili kahit nung nagbibilang palang siya. Hindi ako marunong lumangoy kaya natatakot ako. Nang lumubog na kami, hindi ko naready ang sarili ko dahil sa pagtili. 

Hindi agad ako nakahinga. Naramdaman ko nalang na may humatak sa akin at nang maka-ahon na ako, isinabit ko agad yung braso ko sa leeg niya.

“Gago ka Kevin! Huwag mo akong bibitawan dito! Ang lalim!”

 

“Hala, hala.. bahala ka diyan..” Inilalayo pa niya ako sa akin kaya nalulunod-lunod ako.

“Kev-kevin! T*ng-ina mo ka! Kapag ak-ako namatay dito mu-multuhin ki-kitang gago ka!” Sigaw ko sa kanya kaya lang hindi naman madiretso dahil sa nahihirapan ako kumuha ng hangin. Hinatak ko ang buhok niya.

“Aray, Juls!”

 

Suddenly, it's magic (BOOK one: COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon