Chapter 38 : If I were you

421 22 2
                                    

If I were you...

 

“Magkakakilala pala kayo? Tropa ko to nung high school. Ako nakakaalam kung gaano kababaero tong lokong to!” Inakbayan ni Kuya Dirks si R. Really? Babaero?

“Noon yun, Pre!”

 

“Wow! Seryoso ka na talaga diyan sa girlfriend mo ngayon ha?”

 

“Tama na nga! Tigilan mo nga ako Dirks!” Nagtawanan sila.

“Talaga Kuya Dirks? Si R madaming babae noon? Naku eh hindi ka pala talaga pwede dito ke Juls! Broken-hearted na naman eh!” Tinapik ko agad si Kevin. Hindi ko alam kung saan niya napulot yung broken-hearted. Hindi pa naman ako nagkwekwento. Malakas talaga ang pakiramdam nito pagdating sa akin.

“Broken-hearted?” Tanong ni R.

“Oo. Noon diba?” Sabi ko ng may napilitang ngiti.

“Noon daw! Eh halata kaninang galing ka sa matinding iyak!” Tangna! Ang daldal talaga nitong Kevin na to kapag nakakainom na! Jusko!!!

“Ha? Hindi ba ikakasal na sila?”

 

“IKAKASAL?” Sabay-sabay na tanong ng mga kaibigan ko at tinignan ako.

“Hoy! Bakit ganyan kayo makatingin sa akin?! Walang kasal na magaganap!” Naku eto talagang si Kevin, oo! Sasakalin talaga kita bukas! Naiiyak na naman tuloy ako! Forever na akong bigo. Forever na akong ganito. Wala ng magmamahal sa akin dahil lahat ng gusto kong mahalin, para sa ibang tao.

“Bakit?”

 

“Saan mo ba nakuha yang idea na yan R?” Tanong sa kanya ni Nikko.

“Ha? Ah.. eh.. Sabi ni Jen sa akin pumayag na daw si Julie magpakasal sa boyfriend niya.”

 

“Sinabi ni Jen??” Nagulat ako talaga dahil hindi ko akalain na ganun kadesperada si Jen na makuha si R at magsisinungaling siya sa tao.

“Bakit hindi ba?”

 

“Hindi talaga! Inayawan nga niya eh!” Tawa ng tawang sabi ni Kevin. Talaga naman! Daldal mo!

“Kevin, tumigil ka na nga! Lasing ka na umuwi na tayo!” Tumayo ako. Nasasaktan ako.. na naman.. dahil hindi ko akalain na ganun ang sasabihin ni Jen para lang makuha si R. Sinabi ko naman sa kanya diba? Na wala akong balak na agawin sa kanya. Kanyang-kanya na kaya hindi na niya kailangan pang gumawa ng ganito.

Suddenly, it's magic (BOOK one: COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon