Chapter 37 : There's no forever

474 21 0
                                    

There's no forever...

“Joward..” Pag-uulit niya. Ayoko magsalita. Hindi naman kasi ako ung tipo ng babae na agad-agad OA kung makareact. Hanggat hindi ako kinakanti, hindi ko siya papansinin. Hindi naman dapat na sa lahat ng oras, ipakita na matapang tayo. May mga pagkakataon na pinapakita ko yun pero sinisugurado ko na nasa lugar.

“Joward. Si Paula.” Naramdaman ko ang unti-unting pagkalas ng pagkakayakap niya sa akin. Nilingon ko ulit si Paula at ngayon, kitang-kita ko na ang pag-iyak niya. Ano ba ang nangyayari?

“Julie, let’s go.” Pero pinigilan ko ang braso niya. TInignan niya ako.

“Joward, I think you and Paula need to talk. Or pwede din na kasama ako.” Matagal siyang tumitig sa akin bago tumango.

“Okay. Starbucks.” Inakbayan niya ako at hinalikan sa gilid ng ulo. Ayoko magtanong kung may problema ba. Ayoko pangunahan kung ano ang pwede kong marinig ngayon. Basta ang kailangan kong gawin ay makinig lang muna, saka na ang pagrereact.

Nakahanap agad kami ng pwesto. Hindi ko nililingon si Paula dahil napakaplastik ko naman kung sabihin kong naaawa ako dahil umiiyak siya. Galit pa rin ako sa kanya dahil siya ang sumira ng lahat at pati ang lahat ng pagtatraydor na ginawa niya sa akin.

Pagkaupo namin, hinawakan agad ni Joward ang kamay ko na nasa ibabaw ng mesa. Umupo na din si Paula ng nakayuko.

 

“Ano gusto mo, Julie?”

 

“Ikaw na ang bahala. Alam mo na yun.” Tumayo na siya nang hindi tinitignan si Paula.

Walang umimik sa aming dalawa. Tinitignan ko lang siya. Ang laki ng pinagbago niya talaga. Para siyang tumanda ng limang taon sa itsura niya ngayon. Kung noon, pokpokin, ngayon ay dinaig pa ng Nanay na may sampung anak. Naisip ko lang na malamang ay sobrang laki ng problemang dinadala niya.

Bumalik na si Joward matapos ang ilang minuto. Binalik ang pagkakahawak sa kamay ko.

“Julie..” Narinig kong sabi ni Paula.

“Don’t call me Julie. Hindi tayo close. So what’s the business here? Mukhang may gusto kang sabihin.”

 

“Kasi.. buntis ako.”

 

“Obviously. Yan din ang napansin ko nung una palang.” Sa totoo lang, may hinala na ako kung ano ang susunod niyang sasabihin. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Hindi ko maipaliwanag kung ano ba to.

“And Joward is the father.” Natahimik ako.

“Paula. I told you! Don’t play with me! Alam kong hindi lang ako ang naikama mo kaya huwag mo akong pinagloloko!”

 

Suddenly, it's magic (BOOK one: COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon