Chapter 17: One-sided love

484 29 1
                                    

One-sided love

Pagkatapos ng trekking, lalo kaming naging close ni Julie. Kahit dinner sabay kami. Minsan kapag weekends, niyayaya ko siya lumabas. Palagi din ako nagpapadala ng three roses sa kanya. Maaga ako dumadating para maunahan ko siya. Malapit lang kasi ang inuupahan niyang bahay sa school. Breakfast, lunch, sabay din kami. Ayoko na ngang palampasin kaya kahit miryenda, kasama ko pa rin siya.

Gusto ko siyang ligawan, pero feeling ko hindi pa ito ang tamang panahon. Gusto ko muna na makilala niya ako ng husto. Gusto ko muna na malaman niyang totoo ako sa kanya. Basta kasama ko siya, okay na muna ako dun. Hindi naman ako nagmamadali.

“Aba! Gwapong-gwapo ha!” Bati sa akin ni Jen nang nasa isang party kami magkakasama. Nang makita ko si Julie, agad ko siyang nilapitan at kinuha ang mga kamay niya. Ang laki ng pinagbago niya. Bumalik na yung dating siya. Ang sabi niya, nagsisimula na siyang baguhin ang buhay niya at alam niyang wala ng dapat na balikan pa sa dati. Konting tiis pa, R. Konti pa at pwede mo na siyang pormal na ligawan. Yan ang sinasabi ko sa sarili ko.

“You’re so so beautiful!” Sabi ko sa kanya.

“Hmp! Bolero!” Bagay ang maigsing buhok niya. Inayos yun para hindi na siya magmukhang tomboy na tulad ng dati. Kitang-kita lalo ang magandang features ng mukha niya. Yung paborito kong mga mata niya ay nakikita ko na ang saya. Sabay na yung ngumingiti kapag ngumingiti siya. Isa rin sa paborito ko sa mukha niya ay yung maliit na dimples niya sa magkabilaang gilid sa medyo ilalim ng labi. She’s so cute kapag lumalabas ang mga yun kaya gustong-gusto ko na lagi siyang nakatawa.

“Kailan kita binola? Parang wala akong maalala.”

 

“Oo na. Sige na panalo ka na.”

 

“Doon tayo.” Itinuro ko ang pwesto naming mga magiging speaker sa party na to. SIya ang napili ko na partner sa gabing iyon kaya katabi ko siya buong gabi.

Puro kami kwentuhan. Yung akala mo hindi nagkikita araw-araw at hindi nauubusan ng kwento. Yung parang buong araw ata na nangyari sa kanya bago kami magkita, naikwento na niya sa akin kahit na nasasabi naman niya sa text. Kuntento na ako sa ngayon sa ipinaparamdam sa akin ni Julie kung ano ako sa kanya. Basta, maghihintay ako hanggang sa pwede na siya ulit. Hanggang siya kaya na niya akong tanggapin hindi bilang kaibigan, kundi bilang boyfriend niya.

Nang nagkainan na, buffet style yun. Inalalayan ko siya papunta dun.

“Ang sweet mo.” Bulong niya sa akin.

“Sweet akong kaibigan, pero mas sweet akong maging boyfriend.” Natatawa kong sabi sa kanya. Madalas ko naman siya binibiro ng ganun kaya sanay na rin siya.

“Ha? Anong sabi mo? Nabingi ata ako , teka.”

 

“Wala. Sabi ko ang ganda ganda mo.”

 

“I know.” And we laughed together.

Suddenly, it's magic (BOOK one: COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon