Chapter 10: Left with nothing

558 26 0
                                    

Left with nothing..

Hindi ko na namalayan kung ano pa ang nangyari non. Nagising nalang ako sa sobrang init. Nang imulat ko ang mata ko, leeg ng kung sino ang nakadikit sa mukha ko.

Wait. Sino to? My mind buffs for a while and then I realized that it’s R! Biglang nagflashback sa akin ang mga sinabi niya kagabi. Hindi ko alam kung tama ba yung mga yun o bunga lang ng hallucination ko. Dahan-dahan ko siyang itinulak dahi pawis na pawis na ako sa init.

“Mmmm...” Shit! Di siya pwede magising! “Bakit Julie?” Eto na nga ba sinasabi ko eh!

“Ahm.. R.. Mainit kasi.”

 

“Oops! Sorry!” Napabalikwas siya ng bangon. Isa-isa kong inalis ang mga kumot at jacket na nasa katawan ko. Hindi ko maimagine na ganito ako kanilalamig kagabi.

“Good Morning!” Sabi niya pagkaharap ko sa kanya. Pupungas-pungas pa siya. “6 na pala. Labas na ako ha?” Tumayo siya at bago pa makalabas ng tent, tinawag ko.

“R!”

 

“Hmm?”

 

“Thank You..” Napayuko ako at nahihiyang sabihin yun.

“Wala yun. I’m thankful kasi okay ka na.”

 

“At dahil sa’yo yun. Thank you.”

Ngumiti siya at lumabas na. Kapag nagbabalik sa isip ko yung nangyari kagabi at mga sinabi niya, may kakaiba akong nararamdaman. Parang namamanhid na ewan yung katawan ko. O nangingilo. O parang tinutusok. Basta kakaiba. Hindi naman bago sa akin ang ganitong pakiramdam kaya alam na alam ko. Kinikilig ako.

Inayos ko ang sarili ko bago lumbas ng tent. Pagkalabas ko, nakita kong magkakasama ang mga kaibigan ko. Halos sabay-sabay silang tumayo at lumapit sa akin.

“Okay ka na Juls?”

 

“Oo Ayos na.”

 

“Grabe, tinakot mo kami. Akala namin mamatay ka na sa lamig.”

 

“Akala ko rin.”

 

“Mabuti nalang, nandiyan si R.” Ngumiti si Jen.

“Oo nga. Nagpasalamat din ako sa kanya.”

 

“Taranta yun kagabi nung lumabas akong sinabi ko ngang lamig na lamig ka. Sugod agad sa tent natin eh.” Dugtong pa nya.

Suddenly, it's magic (BOOK one: COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon