Chapter 35: Maybe not now, but someday

469 22 1
                                    

Maybe not now, but someday... 

Nang matapos kami kumain, inihatid niya ako sa school. Kumis muna siya sa akin bago ako pinababa.

“Mag-iingat ka.”

 

“Oo. Magtext ka nalang sa akin kapag wala kang ganong ginagawa ha? I love you Julie.”

 

“Bye, Joward!”

 

“Mamaya ha? Exact 5PM nandito na ako maghihintay sa’yo.”

 

“Okay!” Isinara ko na ang pinto.

 

Pagkadating ko sa office, nandun silang lahat. Ang ingay nga dahil sa puro kwentuhan na nangyari. Yung akala mo hindi din sila yung magkakasama sa pinagkwekwentuhan.

“Late na late ha!”

 

“Hoy, nagtext naman ako!”

 

“Bakit pinagod ka ba ni Jawo? Mis na mis ka?” Panimulang pang-aasar ni Kevin.

“Abnoy ka talaga kahit kailan! Ewan ko sa’yo!” Hindi ko naman pwedeng sabihin sa kanila na napuyat ako dahil sa kakaisip sa iisa lang naman na tao.

“Si Jen?”

 

“Nagleave. Baka kasama si R.” Sagot ni Jere. Ouch.

 

“Ah okay.”

 

Buong araw naging boring ang araw ko. Walang gaanong gawa kapag ganitong Lunes kaya dahil sa antok, nakatulog ako sa table ko. Nakatulugan ko na nga rin yung text ni Joward. Okay lang naman kay Sir Gemer na ganito kami dahil kapag may trabaho naman, umaalis din kami agad at gumagawa.

Sa sobrang bagal ng oras, gustong-gusto ko ng hatakin yun para mag alas singko na. Kaya lang magkikita pa pala kami ni Joward. Sana pala hindi nalang ako pumayag para nakapagpahinga ako. Tinatamad talaga akong kumilos, umalis at makipag-usap.

“Hey!” Nagulat pa ako ng lumapit si Kevin sa akin habang nasa puno kami na tambayan.

“O, tapos ka na sa Engineering?”

 

“Sisiw!”

 

“Yabang!”

 

“Bakit emo ka ngayon?”

 

Suddenly, it's magic (BOOK one: COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon