Chapter 24: Inside of me

485 21 0
                                    

Inside of me...

Kitang-kita ko sa mga mukha niya ang pagkagulat. Alam ko naman na ganito ang aabutan kong reaksyon nila. Jen and I started dating a month ago. Tulad ng sa amin ni Julie noon, walang malinaw na sabi kung kami na ba. Pero ang sa amin ni Jen, kahit papano mas malinaw. Nang sabihin niya na boyfriend niya ako, hindi na ako kumontra. Hindi niya ako iniwan lalo na nung mga panahong nagdusa ako sa sakit nang malaman na nagkabalikan na si Joward at Julie.

Isang linggo akong nagleave dahil ayokong maapektuhan ang trabaho ko. Baka imbes na makatapos ako ng gawain, lalo pang gumulo. Hindi ko alam kung bakit ako nasaktan kahit na alam ko naman na wala akong karapatan. Hindi ako pwede magalit sa kanya dahil una sa lahat, hindi naman naging kami. Hindi ko pwedeng sabihin na nagtaksil ka dahil never ko namang narinig sa kanya na gusto niya rin ako. Puro ako naramdaman lang. Kaya naman umasa ako. I felt hopeless that time until Jen started to text me.

Nung una, hindi ko alam na siya yun. Puro send lang siya ng quotes about hurting the ones we love. O kaya naman tungkol sa mga iniwan ng mahal. O kaya naman, quotes about moving-on. I decided to text that number and asked kung sino yun. Isang araw ang lumipas bago siya sumagot. Akala ko nga kung sinong Jennica dahil nung college ako, may kaibigan din ako na ganun ang pangalan. Nang malaman kong siya, hindi na ako nagtaka kung bakit ganun ang mga sinesend niya sa akin. And that’s where we started.

Tulad noon kami ni Julie, everyday magkatext. Ang pagkakaiba lang, text lang yun. Inamin niya na gusto daw niya ako nung una palang na makita niya ako habang nakasakay sila ng jeep ni Julie. Hindi ko naman alam ang sasabihin ko. Okay na rin kasi nawala kahit papano yung lungkot ko dahil sa nangyari sa amin ni Julie. Sa tuwing maiisip ko na sila na naman, lalo akong nasasaktan. Ang tanga ko lang para isipin na baka nakalimutan  na niya ang ex niya. Ang tanga ko lang para paasahin ang sarili ko na pwedeng kami rin pagdating ng araw. Yun naman pala, sa isang iglap lang, pwedeng magbago ang lahat. Sa isang iglap lang, kaya pala niyang balikan yung ex niya. At sa isang iglap lang, iiwanan niya akong mag-isa. Yun na yata ang pinakamasakit sa lahat ng nangyari sa akin. Isang linggo lang ako sa bahay at ayaw kumausap ng ibang tao.

Nang sabihin sa akin ni Jen na may outing sila at gusto niya akong isama, pumayag ako. Ang akala ko hindi sasama si Julie dahil sabi ni Jen, hindi daw pinapayagan si Julie ng boyfriend niya sa mga ganung lakad. Kaya laking gulat ko ng sabihin niya na kasama daw at gusto daw akong makilala. Hindi ko alam kung paano ko pakikitunguhan sila ngayon. Hindi  ko alam kung paano ko ipapaliwanag ang sa amin ni Jen. Sa totoo lang,ang sama ko dahil alam ko naman sa sarili ko na hanggang ngayon, si Julie pa rin ang mahal ko. Pero sabi ko naman, susubukan kong mahalin si Jen. Baka naman magawa ko din yun lalo na’t kami na ngayon.

“Hi.” Yun lang ang nasabi ko paglapit sa kanila. Tumalikod na si Julie. Kinamusta naman nila ako at halata namang masaya sila na kami na ni Jen. Si Jen syempre ang kasama ko sa hotel. Kaming dalawa lang pero may dalawa namang kama sa kwarto.

Wala pang isa’t kalahating oras, narating na namin ang Palawan. Sa may waiting shed namin hinihintay yung sundo ng hotel na tutuluyan. Acacia Tree hotel ang pangalan nung hotel na napili nila. Nakakulay orange yung sundo namin kaya agad naman naming nakita. Hating-gabi na kaya habang nagbabiyahe,makikita mong sobrang dilim na ng paligid. Mabuti nalang kumain muna ako bago tumuloy sa airport kaya hindi na ako nagugutom. Mga pagod na ang lahat kaya diretso na sa kanya-kanyang lugar. Nang lingunin ko si Julie, si Kevin ang kasama niya kaya nakaramdam ako ng pagkaselos. Lalaki pa rin si Kevin kahit na sabihing close sila. Sayang. Kung okay lang sana kami, e di sana, si Julie ang kasama ko. R! Ano ba yang iniiisip mo? Okay ka lang? May girlfriend ka na at kaibigan pa ni Julie!

Suddenly, it's magic (BOOK one: COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon