Chapter 8: Sorry

630 34 0
                                    

Sorry

“Wala.”

 

“Ah okay. Grabe naniniwala ka sa ganon? So gay!”

 

“Hindi naman porket lalaki ako hindi na pwedeng maniwala sa ganun.”

 

“Oo na. Ang tagal naman natin. Wala ka talagang balak matulog or magpatulog man lang?”

 

“Wala.”

 

“Shocks! Bakit ba sa’yo ako tumabi.”

 

“Di joke lang. Sige matulog ka muna. Malayo pa tayo.”

 

“Thank you. Tatanawin ko tong isang malaking utang na loob.”

 

Ngumiti siya at dumiretso na ng tingin at upo. Ako naman, sinuksok na ang headset at pumikit. Hindi ko na na namalayan ang oras, nagising nalang ako nang may gumalaw sa tabi ko.

“Sorry. Nagising ba kita. Inaayos ko ung kurtina, baka naiinitan ka na.”

 

“No it’s okay.” Humikab ako. “Anong oras na?”

 

“8:30 na.”

 

“Stop over muna tayo para makapag-agahan.” Narinig kong sabi ni Sir Henry.

“Sakto. Nagugutom na ako.” Sabi niya.

“Dapat sinabi mo. May baon akong biscuit dito.”

 

“Okay lang. Ayokong gisingin ka.”

 

“Juls! KFC tayo!” Sigaw ni Michael.

“Sige!” Tinignan ko si R. “Sama ka na sa amin. Wala ka palang staff dito.”

 

“Thanks!” Nang huminto na ang bus, isa-isa kaming nagbabaan. Huli kaming magkakagrupo. Pagkakita ko palang sa kanila, alam ko na ang mga itsura ng ngiti nila. Hindi ko nalang pinansin para huwag ng mapagtampulan ng tukso. Kasi alam kong the more na pansinin ko ang pang-iinis nila, mas lalala yun.

“Ano sa’yo, Julie? Ako na oorder.”

 

“Huwag na. Si Michael na. Magamit man lang yung laki ng taong to.”

 

Suddenly, it's magic (BOOK one: COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon