Chapter 42 : It's like magic!

477 18 0
                                    

It's like magic!...

Ilang beses kong binura at itinype ulit ung itetext ko kay R. Hindi ko alam kung paano ko ba sabihin sa kanya na hintayin niya ako mamaya at mag-usap kami. Bigla kasi akong nag-alinlangan. Yung confidence ko na kapag sinabi kong kami na ay papayag agad siya ay napalitan ng kaba.

“Julie, sige na isend mo na. Magbaka sakali ka nalang!” Paghihikayat ko sa sarili ko. “Hindi mo malalaman hanggat hindi mo sinusubukan. Huwag mo na sayangin ang pagkakataon na to.”

 

“Huy!”

“Ay!!” Nagulat ako sa biglang pagsulpot ni Kevin. “Abnormal ka talaga! Bakit ka ba nangugulat?”

 

“Naririnig ko kasing bumubulong-bulong ka diyan! Concerned lang ako dahil baka nabubuwang ka na.”

 

“Baliw ka! Tsismoso ka lang talaga!”

 

“Hindi ko naman naintindihan, ano ka ba! Narinig ko lang sabi ko!”

 

“Ang dami mong--” Natigil ako nang maramdaman ko ang vibrate ng cellphone ko. Tinignan ko yun at para akong nangilo sa buong katawan. Lumakas ang tibok ng puso ko. “Kevin!!”

 

“Napano ka diyan!”

 

“Kevin! Si R! Si R! Tumatawag!”

 

“Sagutin mo na ano pang hinihintay mo?”

 

“Saglit, sandali! Ano sasabihin ko? Teka, paano ba toh?” Taranta kong sabi.

“Juls, kalma! Sagutin mo na mawala pa yan!” Napatayo ako ng mabilisan at takbo sa labas ng office. Huminga muna ako ng malalim bago pinindot ang Accept button.

“He-hello..” Nauutal kong sagot.

“Julie..” Lalong bumilis ang tibok ng puso ko. Pangalan ko palang ang sinasabi niya, ganito na ang nararamdaman ko. Ang engot ko, bakit ngayon ko lang narealize to? Kaya pala hindi na ako ganun ka-affected sa aming dalawa ni Joward dahil mahal ko na pala si R bago pa ang lahat. “Julie?”

 

“R.. Ano.. Kasi.. Ba-bakit ka napatawag?”

 

“Hindi ba nagtext ka?”

 

“Nagtext? Wait.” Tinignan ko ang messages ko at nakita kong nagsend pala yung sinabi ko sa kanya.

Suddenly, it's magic (BOOK one: COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon