Chapter 12: At last

556 31 0
                                    

At last!

“Ako na ang magluluto.” Prisinta ni Jen. “Panik muna kayo sa taas, Kevs. Paghilamusin mo yang isang yan. Parang binagsakan ng langit at lupa eh.” Iniakyat ako ni Kevin sa kwarto ko.

“Thank you Kevin.”

 

“Okay lang.” Humiga siya sa kama. “Haay. Kakapagod.”

 

“Tulog ka muna.” Umupo ako sa gilid pero hinatak niya ako at inihiga sa braso niya.

“Ano? Natauhan ka na?”

 

“Tama na nga. Huwag mo na nga akong paiyakin!” Tumagilid ako ng nakarap sa katawan niya.

“Aamuyin mo na naman kili-kili ko? Bakit pampawala ba ng iyak mo yan?”

“Baliw!” Tinapik ko ang dibdib niya.

“Alam mo. Dapat matauhan ka na. Hayan na oh. Ginawan na ng paraan ni Lord na magising ka na. Move-on, Juls. Hindi lang siya ang lalaki sa mundo. Ibalik mo na ang dating ayos mo. Yung dating ikaw. ALam kong tibo ka talaga noon pa man pero hindi yun ang ibig kong sabihin na ibalik mo.” Natatawa niyang sabi.

“Ano ba yan! Puro ka talaga biro. Seryoso na eh!”

 

“Joke lang siyempre. Pinapatawa lang kita. Sumasama ka na nga sa amin eh. Ibig sabihin gusto mo na magmove-on. Hindi dahil sa nakita mo siya e babalik ka na naman sa pagmumukmok mo. Juls, tama na. Maawa ka naman sa sarili mo. Bigyan mo kaunting pride yang ego mo. Mag-ayos ka. Magpakababae ka na. Mabuti na nga lang at hindi kayo nagkita kung hindi, wala siyang panghihinayangan sa itsura mo na yan. Dapat magpaganda ka na ulit para sa susunod na magkita kayo, pagsisisihan niya na iniwan ka niya para dun sa mukhang butiking girlfriend niya.”

 

Natawa ako sa sinabi niya. “Mukhang butiki. Grabe ka makapanlait talaga.”

 

“Totoo naman. Ang payat payat non. Anong mararamdaman niya kapag yakap niya yun. Bawal pa nga yumuko yun eh.”

 

“Ha? Bakit?”

 

“Sa haba ng baba non? Baka kapag yumuko yun, tusok ang leeg. Patay!” Sabay kaming nagtawanan. Minsan talaga panalo ang mga joke nitong si Kevin eh.

“Ikaw talaga!” Nagsipasukan sila sa kwarto ko at dinaganan kaming dalawa.

“Bakit kayo lang tumatawa? Isali niyo kami!”

 

“Aray! Ano ba yan! Hindi na ako makahinga!” Tawanan ang mga sunod na nangyari.

Suddenly, it's magic (BOOK one: COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon