Chapter 33 : It is really the end?

430 21 0
                                    

It is really the end?...

“Sorry..” Yun lang ang nasabi ko sa sinabi na yun ni Jen. Ayokong magsinungaling para lang hindi siya masaktan. Ayokong paasahin siya. At higit sa lahat, ayoko ng ipagpatuloy to kung may iba naman akong mahal hanggang ngayon.

“Ba-bakit ka nagsosorry, R? Bakit?”

 

“Jen.. Sorry. I tried--”

 

“You tried? IBig sabihin, hindi mo nga ako minahal? Ibig sabihin... itong relasyon na to ay isang malakign kalokohan lang?”

 

“Sorry..” Napayuko nalang ako. Naramdaman kong bumagsak ang balikat niya.

“Bakit ganun? Ano kaya ang meron kay Juls at hindi mo siya makalimutan? Hindi naman naging kayo, pero bakit kaya siya pa rin? Ilang months na ba tayo R? Two? Tapos ganun pa rin? Kaibigan pa rin?”

 

“Jen--” Tinignan ko siya.

 

“Iniisip ko lang, ano kaya ang pwede kong gawin? Ano kaya ang pwede kong gayahin kay Juls para ako naman?”

 

“Jen, you don’t have to. Magkaiba kayong dalawa--”

 

“Kaya nga.. Magkaiba nga kami kaya hindi mo ako magawang mahalin. ” Tumawa siya. “R.. sabihin mo naman. Ano ba ang pwede kong gawin? Kaya kong magtiis hanggang sa mahalin mo rin ako. R! May boyfriend na si Juls. Matagal na sila at malapit na silang magpakasal!” Magpakasal? Magpapakasal na si Julie? NO! Hindi pwede!

“Anong magpakasal?”

 

“Oo. Sinabi niya sa akin. Niyaya na raw siya ng kasal ni Joward. Umoo na siya. Kaya igive-up mo na siya, R. SI Joward ang mahal ni Juls noon pa man. Si Joward lang for more than 10 years!”

 

“No..” Napayuko ako at umiiling..  Hindi ko yata kayang tanggapin! Hindi.. hindi.. Huwag naman Julie.. Naramdaman ko ng nangingilid ang luha ko. Shit! Ano to? Bakit ako naiiyak?

“Yes, R. They’re getting married. Nagbago na si Joward. Kalimutan  mo na siya R. Nandito naman ako. Mahal na mahal kita. Kayang-kaya kong ibigay yung kayang ibigay ni Juls.”

 

“No..” Tumayo ako.

“R...”

 

“Please, Jen. Hayaan mo muna ako.”

 

PUmasok ako sa banyo. Wala naman akong ibang mapupuntahan maliban dito. Gusto ko ng umuwi pabalik ng Maynila. Gusto ko ng umalis dito. Kung masakit pala yung malaman na nagkabalikan sila, mas masakit pala kapag nalaman mo na magpapakasal na sila. T*ng-ina! Ano ba yung ganitong pakiramdam?

Hindi ko na alam kung paano pa ako nakaharap sa kanila nang hindi ko pinaparamdam na nasasaktan ako. SInabi ko kay Jen na uuwi na ako. Hindi bale ng gumastos ulit basta lang hindi ko makita si Julie. Sa tuwing nakikita ko kasi siya, lalo akong nasasaktan. Naaalala ko lang na magpapakasal na siya. Malas ko naman, ngayon na nga lang nainlove ng totoo, mali pa.

Mahabang pilitan ang nangyari sa amin ni Jen bago niya ako napapapayag na huwag nalang umalis. Titiisin ko nalang yung ilang oras ko dito.

Nung bibili kami ng mga souvenir, narinig ko na naman ang sinabi ni Kevin na bumili daw sila ng couple’s shirt ni Julie. “O e ano naman ngayon kung ganun nga? Boyfriend palang naman niya. Hindi pa asawa. Hindi pa sila kasal kaya pwedeng-pwede pa akong umextra. Palakasan lang ng loob yan!” Sabi niya sabay tawa. Para sa akin ba yung sinabi niya? Ano ba R! Nabibingi ka na naman diyan! Ikakasal na si Julie. Kaya siya magpapakasal dahil mahal niya yun. Huwag ka ng mangarap diyan. Ang sabi ni Kevin, hindi pa daw kasal pwede umextra. E ikakasal na, ano pang papel mo?

Kahit natapos na kami sa pamimili, hindi pa rin naalis sa isip ko yung mangyayari na yun. Gusto kong pigilan kaya lang baka naman hindi magpapapigil si Julie. Maybe Julie never loved me or she never felt something romantic sa akin. Siguro nga hanggang friends lang ang gusto niyang relasyon namin. Ito na ba yung oras na dapat na akong sumuko? Na dapat ko ng ituon ang sarili ko sa girlfriend ko ngayon? Is it really the end? 

Suddenly, it's magic (BOOK one: COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon