Chapter 9: Forever with you

624 36 2
                                    

Forever with you...

“Okay ka na?”

 

“Bakit? Hindi ba ako okay?”

 

“Tinatanong nga kita eh.”

 

“Tinatanong din kita.”

 

Tumawa siya at tinulak na naman ako ni Jennica. “Tara na. Naiwan na tayo.”

 

“Oo nga. Kayo lang naman matagal.” Sabi ko.

“Wow, kami pa daw.” Sabi naman ni Kevin. “Lika na!” Inakbayan na ako ni Kevin at natawa na din ako.

“Kinikilig ako sa inyo.” Binulungan ako ni Jennica.

“Adik. Kilig ka diyan.” Napangisi ako. Nasa gilid ko na ngayon si R habang akbay ako ni Kevin. Wala nalang naman sa akin ang akbay na ganito dahil parati naman kaming ganito.

Nakaisang kilometro na yata kami ng maramdaman ko na ang pagod. Umupo ako sa batuhan nang huminto din ang iba. Nandito kami ngayon sa isang sapa. Tanghalian na kaya nilabas na ang mga baon namin. Nakita ko si Sir Gemer na gumagawa na ng apoy para paglutuan ng kanin namin. Kanya-kanya bawat Department pero dahil walang kasama si R. Sa amin na din siya kabilang.

Nang may apoy na, kinuha na ni Michael ang pinutol na kawayan na nilagyan na ni Jen ng bigas kanina. Halatang sanay na sanay na talaga sila sa ganito dahil alam na nila kung ano ang mga dapat na gawin. Si Kevin naman ang taga-bukas ng de lata. Corned beef at Sardines ang ulam namin. Nakita kong bumalik na si Jere at R na may dalang dahon ng saging. At ako? Ang papel ko ay tignan sila sa mga ginagawa nila. Tumayo na rin ako para salubungin ang dala nila R. Tumulong ako sa paglilinis nun sa napakalinis na tubig ng sapa. Halos isang oras din nang matapos kami sa pagluluto ng kanin.

Nagsipagkuhaan na kami ng kanin at ulam at kumain ng mga nakakamay. Ang sarap pala ng ganito, probinsyang-probinsya ang datingan.

“Kain pa.” Nilagyan ni R ng kanin ang dahon ng saging na gamit kong plato.

“Hala. Tama na.”

 

“Okay lang yan.” Ngumiti siya sa akin at bumalik ang tingin sa pagkain. Sa totoo lang, ang gwapo niyang tignan habang nakakamay at kumakain ng kanin sa dahon ng saging. Yung akala mo sanay na sanay sa ganitong style ng pagkain.

Nang matapos kaming kumain, nagpahinga lang ng tatlumpung-minuto bago ulit sinimulan ang paglalakad. Ang sabi ni Sir Henry, bago sapitan ng dilim kami makakarating ng first base. Doon na din daw kami maglalatag ng mga tent at magpapalipas ng gabi. Medyo makulimlim kaya siguradong mamaya lang ay uulan. Lalo akong natakot dahil sa naiimagine kong magiging madulas na daanan.

Suddenly, it's magic (BOOK one: COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon