Chapter 2: Moving-on

1.3K 39 0
                                    

 Moving-on

“Hey! Natulala ka na diyan.”

 

“Sandali. Teka.. teka.. Sige mauuna na ako.” Shit! Pwede bang lamunin na ng lupa? Now na! Nakakahiya!!!!!!!

Diretso na akong lumabas ng kwarto nila. Nangyari a year ago. Malay ko ba naman na magkikita pa kami nitong taong to at maalala pa niya na ako yun. Nakapila ako sa LRT. Dahil nalate ako ng gising, naligo agad ako at nagbihis ng patay ang mga ilaw. Confident naman kasi ako na okay ang damit ko. Mga isa’t-kalahating oras na ako sa pila nang may kumalabit sa akin sa likuran.

“Miss.” Hindi ko pa pinansin nung una dahil nakaheadset ako at malakas ang sounds. “Miss.” Ulit niya. Humarap ako sa kanya at nagtanong.

“Bakit?” Nagulat pa ako dahil ang pogi pala ng nasa likod ko. Siguro kukunin niya ang number ko o kaya naman tatanungin ang pangalan ko.

“MagCR ka, Miss.” Aba, ang bastos nito ah. Ano ibig niyang sabihin? Mukha ba akong kabastos-bastos? Formal naman ang suot ko ha. Kulay itim na jeggings at white na long-sleeves polo.

“Bastos ka ha!”

“Wait, Miss. Huwag kang maingay.”

“Pwede ba naman hindi ako mag-ingay eh ang bastos ng sinabi mo ha?!” Napalakas na ang sinabi ko. Nakakainis kasi. Ang pogi pogi tapos ganyang salita ang lumalabas sa bibig. Meron ba namang matinong lalaking magsasabi sayo na magCR ka?

“Hindi, sandali. Makinig--”

“Bastos!!”

“Anong po kaguluhan dito?” LUmapit na ang gwardiya sa amin at lahat na ng tao ay nakatingin.

“Eto kasi Kuya guard--” Tinakpan ng lalaki ang bibig ko para mapigilan ako sa pagsasalita.

“Sorry, guard. May LQ lang kami nitong girlfriend ko. Sorry. SIge. ALis na muna kami sa pila.” Nakaakbay pa rin siya sa akin at nakatakip ang bibig gamit ang kamay niya. Infairness, ang bango-bango niya. Saka ang sarap sa pakiramdam na parang nakayakap siya sa akin.

“Uhmmm!!” Yun lang masabi ko dahil sa pagkakatakip. Kinagat ko ang kamay niya at nabitawan na ako.

“Aray!! Ano ba!”

“Buti nga sa’yo! Bakit ba inalis mo ako sa pila?! Ang tagal tagal ng pinila ko dun tapos aalisin mo ako kung kailan malapit na! At saka bakit sasabihin mo na girlfriend mo ako ha?! Bastos ka talaga!”

“Makinig ka nga muna kasi! Mas papahiiyain mo lang ang sarili mo kaya tinakpan ko na ang bibig mo at sinabi yun!”

Suddenly, it's magic (BOOK one: COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon