Chapter 13: Make right choices

492 31 0
                                    

Make right choices..

Ilang buwan na rin nung iniba ko na ulit ang pananamit ko. Medyo nasasanay na ako. Nung una, halos lahat ng tao sa bawat department ay nanibago sa akin. Madalas na rin kami lumabas ni R. Niyayaya niya ako magdinner-out o kaya naman kapag weekends. Hindi naman siya nagsasabi na nanliligaw siya pero parang ganun ang dating. Every morning, meron akong flowers sa table ko at palaging 3 pieces. Malamang pinapabigay niya un sa kung sino ang nauuna sa mga kaibigan ko para ilagay sa table ko. Palagi kaming sabay maglunch or kaya mag miryenda or breakfast.

“Saan naman tayo pupunta ngayon?” Tanong ko sa kanya nung sinundo na niya ako sa bahay.

“Basta. Maganda dun.”

 

“Sigurado ka diyan ha!”

 

“Promise!”

 

Hindi naman ako mabilis makakabisa ng lugar dahil hindi naman talaga ako gala. Itong dinadaanan namin ngayon, wala akong idea kung saan papunta. Basta may nakikita akong LRT stations kaya nalalaman ko ang lugar.

“Tara?” Sabi niya ng makapagpark na.

“Ayala ba to?”

 

“Oo. Hindi ka kasi umaalis sa Malabon at Caloocan kaya hayan tuloy, wala kang alam sa mga lugar. E paano kapag dinala kita sa malayo eh di hindi mo na alam umuwi?”

 

“Ganun na nga.” Sagot kong natatawa. “Ayoko din naman kasi gumagala. Kaya nga tinanggap ko ang trabaho sa UE para malapit lang sa bahay eh.”

 

“Ang tamad.”

 

“Wow. Nagsalita ang masipag.” Nagulat ako nang hawakan niya ang mga kamay ko. Habang papalapit kami sa Ayala Triangle, yung mga mata ko lalong kumikinang dahil sa mga ilaw. Magpapasko na kaya punung-puno na ng ilaw dito.

“How’s it?”

 

“Grabe. Amazing. Ang ganda. As in.” Sabi ko habang inililibot ang mga mata sa paligid. “Thank you. Alam mo bang ang tagal ko ng gustong pumunta dito? Kaya lang nahihiya ako sabihin sa... dun.. basta... kasi baka sabihin isip-bata ako masyado.”

 

“Hindi naman isip-bata kapag nagpunta dito. Ang sarap kaya tumambay dito.”

 

“Thank You R. Thank you.” Tinignan ko siya. Lubos akong nagpapasalamat sa kanya dahil sa mga ginagawa niya para sa akin. Ang laking tulong niya kaya unti-unti na akong nakakamove-on. Hindi ko na gaano napapanaginipan ang ex ko at hindi ko na din gaano naiisip.

“Masaya ako, dahil masaya ka.” Hinawakan niya ang pisngi ko. Nakaramdam ako ng kaunting hiya kaya nagsalita agad ako.

Suddenly, it's magic (BOOK one: COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon