Chapter 45 : Nervous

491 16 0
                                    

Nervous...

Dreams do really come true. Ito na nga yung matagal ko ng pangarap, ang maging kami ni Julie. Akala ko hindi na darating yung araw na yun dahil nung huli kaming magkita bago siya magpunta ng probinsya ay ramdam na ramdam kong ayaw niya na talaga.

“R.. Please. Kung ako sa’yo, huwag na ako. Huwag na sa akin dahil pagod na akong magmahal. Pagod na akong ibigay yung tiwala ko. Pagod na akong umasa. Pagod na akong masaktan.. Pagod na pagod. Huwag ka ng pumasok pa sa buhay ko dahil ayoko ng magmahal ulit. Ayoko ng magtiwala ulit. Ayoko ng umasa ulit. Ayoko ng masaktan ulit. Please.. Let me go.”

Yan pa yung linyang hindi ko naialis sa isip ko. Huwag nalang daw siya. Kung hindi sa kanya, ayoko nalang din sana. Handa naman akong tanggapin kung ano siya kapag naging kami. Ibabalik ko yung pag-asa niya sa pagmamahal. Ibabalik ko yung pagtitiwala niya. At higit sa lahat, tuturuan ko ulit siyang magmahal. Kaya lang tumagos sa akin yung sinabi niya na yun. Hindi ko alam kung gaano ako katagal nakatunganga nun at tinignan ang paglayo ng taxi na sinakyan niya.

Nahimasmasan nalang ako ng nakaramdam ako ng pagpatak ng ulan. Hindi na ako bumalik ulit sa loob ng bar at umuwi nalang. Hindi ako nakatulog sa magdamag nun kaya kinabukasan, pinuntahan ko siya sa apartment niya. Inabangan ko ang paglabas niya pero walang Julie na lumabas. Pagkarating ko ng opisina, nalaman ko nalang kay Jen na nagleave siya at umuwi ng probinsya. Hindi raw alam kung kailan ang dating niya.

Hindi ko alam kung paano ko haharapin ang araw na wala siya. Parang hindi na ako sanay na hindi siya nakikita kahit sa malayo man lang. Akala ko pwede na kami dahil narinig kong naghiwalay na sila. Yun pala, ayaw pa rin niya. Alam ko naman kung bakit eh! Dahil kay Jennica na girlfriend ko ngayon. Itinuon ko nalang pansin ko kay Jennica. Siguro ito na talaga yung panahon para hindi na ako umasa. Siguro nga hindi kami ni Julie pwede. Kung noon ngang pareho kaming walang karelasyon noon ay hindi naging kami. Ngayon pa kaya?

Kaya nagulat nalang ako nang makita ko na nagtext siya. Gusto niyang makipag-usap. Sa sobrang saya ko, nailaglag ko lahat ng papers sa table ko. Nagulat pa nga ang mga staff ko dahil sa naging reaksyon ko . Nakaramdam ako ng pag-asa. Agad kong pinindot ang call button sa number niya at tinawagan siya. Ayoko ng palagpasin ang oras na yun dahil baka magbago pa ang isip niya.

Nung sinagot niya, parang nagtataka pa siya sa pagtawag ko. Hindi niya alam na naisend niya yung text na yun sa akin? Bakit kaya? Hindi bale! Wala na akong pakialam kung ano pa man ang dahilan. Ang mahalaga, heto na siya! Heto na si Julie! She’s within my reach! Alam kong ito na ang pinakahihintay kong pagkakataon.

Parang gusto ko ng hatakin yung oras para makapag-usap na kami talaga. Pero kinalma ko ang sarili ko. Pagpatak ng alas singko,lumabas agad ako sa opisina at pinuntahan siya sa MISD. Maya-maya lang lumabas na siya at kitang-kita ko kung paano siya nahihiya na lapitan ako.

Nang gabing yun, official ng naging kami. Niloloko ko lang naman siya na hindi ko alam kung ano ang sasabihin niya. Ang manhid ko naman kapag hindi ko pa yun nakuha sa mga kilos niya. I’m just enjoying looking at her kasi sobrang cute niya dahil sa pagkapula ng mukha niya.

Matapos ang paglabas namin, nag-isip na ako ng paraan kung paano ko ba kakausapin si Jen at kung paano ako makikipaghiwalay sa kanya. Ilang araw na rin ang lumipas pero hindi pa rin ako makatyempo. Nakokonsensya ako syempre pero ayoko ng bawiin pa yung sa amin ni Julie. I am so happy to be with her finally. Kahit mga pasimpleng paglabas lang namin. Kahit patago. Kahit paminsan-minsan lang. Kahit na puro text or call lang.

Suddenly, it's magic (BOOK one: COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon