Chapter 18: Just only a memory

547 28 2
                                    

Just only a memory... 

“Si Julie?”

 

“Nagleave daw siya ngayon, R. Hindi ko alam kung bakit basta tumawag lang kay Sir Gemer. Kahit nga sa amin hindi nagsabi eh.” Sagot ni Jennica nung tinanong ko siya. Itinago ko nalang yung rose na dala ko para hindi makita.

“Okay, Jen! Thank You! Pasok na ako.”

 

“Wait R!”

 

Nilingon ko siya. “Okay ka lang ba? Okay lang ba kayo ni Juls?”

 

Ngumiti ako bago nagsalita. “Oo naman. Bakit naman magiging hindi? Sige Jen ha?” Tumango siya at umalis na ako.

Nagtext ako ng Good Morning sa kanya kaninang umaga pero walang reply akong natanggap. Usually, nagrereply siya at ako yung hindi na nagkakaron ng kasunod. Iniiwasan ko na kasi magkaroon kami ng conversation na matagal. Baka kasi kailangan niyang mapag-isa at mag-isip.

“Good Morning, Sir.”

 

“Good Morning.” Nginitian ko sila ng pilit.

Hay! Eto na naman. Trabaho na naman. Sa totoo lang, wala akong ganang magtrabaho ngayon. Kaya lang ako pumasok dahil gusto ko nga na kahit makita man lang siya. Kaya lang, bigo ako. Nakaleave siya.

Isinandal ko muna ang likod ko sa may upuan. Hindi ko alam kung paano ko sisimulan ang araw ko ngayon. Kagabi, anong oras na rin ako nakatulog dahil sa kakaisip kung ano kaya ang nangyari sa pagkikita nila nung Sabado. Gustong-gusto ko na siyang tawagan o itext man lang kaya lang, wala akong lakas ng loob dahil hindi ko alam kung magugustuhan ko rin ba kung ano ang nangyari. Wala akong karapatang magpakwento sa kanya dahil wala naman siyang utang sa akin. Buong weekends lang ako nasa bahay kaya tuloy mis na mis ko na siya.

Ilang buwan na rin na tuwing weekends magkasama kami. R, anong gagawin mo ngayon? Kinuha ko ang cellphone ko. Ang tagal kong tinitigan iyon dahil ang wallpaper ko ang mukha niyang nakangiti. Kinuha ko yun sa picture niya sa Facebook. Si Jen yata ang nagpicture sa kanya nun. Kasama niya si Kevin pero kinrop ko yun para siya lang. I love her smile there. Yung paborito kong ngiti niya na kasama ang mga mata niyang nakangiti din. Sa ngayon, ito lang ang magagawa ko. Titigan ang picture niya.

Pinilit kong magtrabaho dahil walang mangyayari sa akin kung puro ganito lang ako. Hindi ko pwedeng iasa sa tao ko ang ibang dapat na ako ang gumagawa. Hindi naman porket boss ako, bossy na talaga. Ayokong magkaroon ng ganung gap between me and my staff. Gusto ko na kapag nirespeto nila ako, yun ay dahil maluwag sa loob nila at di lang dahil sa alam nilang boss nila ako na kailangang respetuhin.

Ilang beses ko ding sinubukan tawagan si Julie pero agad ko ding binababa dahil sa kaba na nararamdaman ko. Alam kong may kakaiba. Alam kong may nangyayari. May parte sa akin na gusto malaman ang totoo at may parte din na ayaw.

Suddenly, it's magic (BOOK one: COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon