Napabuntong hininga ako nang makita ko s'ya.
Nakasubsub ang mukha n'ya sa lamesa. Gumagalaw ang balikat nito, katunayang umiiyak s'ya.
"Jema," mahina kong tawag sakanya.
Umaangat ulo n'ya para makita ako.
Magang maga na ang mga mata n'ya. Siguro, kanina pa s'ya umiiyak.
"Deanna," nailing nalang ako sa itsura ni Jema.
"Ano na naman ba ang nangyari?"
Tumayo s'ya, patakbong lumapit sakin. Niyakap n'ya ko at umiyak sa balikat ko.
"Nag away na naman kami, eh." Sabi ni Jema sa pagitan ng kanya mga hikbi.
Huminga ako nang malalim.
"Ano pa nga bang bago?"
Pinaghiwalay ko ang mga katawan namin at pinunasan ang luha ni Jema.
"Ano ng gagawin ko Deans? Baka makipaghiwalay na s'ya sakin ng tuluyan. Baka magsawa na s'ya, kasi lagi nalang kaming ganto."
"Ano ba kasi nangyari?" Taong ko ulit.
"May hinihingi lang s'ya..... hindi ko maibigay." Kumuyom ang mga palad ko sa sinabi ni Jema. "Pero kung heto lang yung paraan para mag stay s'ya sakin ibibi....."
"Jema!!!!" Sumigaw ako. Nagulat s'ya, dahilan para lalong lumakas ang iyak n'ya. "Kung talagang mahal ka n'ya. Makakapag hintay s'ya. Hindi mo kailangan pilitin ang sarili mo, kung hindi pa pwede! Hindi naman 'yan kendi na ibibigay mo lang ng basta basta. Mag-isip ka nga!"
Humagulgol si Jema. "Anong gagawin ko?" Paulit-ulit n'yang tanong habang napaupo na s'ya.
Tinago ang mukha sa mga palad n'ya.
"Wala kang dapat gawin. Tulad ng sabi ko. Kung mahal ka talaga n'ya, maiintindihan ka n'ya. Kung hindi mo pa kayang ibigay yung bagay na hinihingi n'ya." Mahinahon ko ng sabi.
Pero si Jema, patuloy parin sa pag iyak.
"Letse. Nasaan ba yung lalaking 'yan. Nakakainis!" Frustrated kong sabi.
Pinagmamasdan ko si Jema, patuloy parin ito sa pag-iyak.
Kung ako nalang sana. Hindi mo sana mararanasan ang lahat ng 'to!
Hindi ko hahayaang umiiyak ka ng ganyan dahil lang sa walang kwentang dahilan.
Kung ako nalang sana........ Jema.
Sana....
Sana....
Sana.....
Puro sana....
Dahil isang kaibigan lang naman ang tingin mo sakin, eh.
Isang matalik na kaibigan na matatakbuhan kapag kailangan mo ng karamay.
Kapag kailangan mo ng mahihingahan.
Kapag kailangan mo ng mapaglalabasan ng lahat ng sama ng loob.
Kapag kailangan mo ng mapagsasabihan.
Kapag nasasaktan ka.
Higit sa lahat. Kapag kailangan mo ng masasandalan kapag nasa ganito kang sitwasyon.
Kapag ganitong umiiyak kana. Kapag nahihirapan kana!
Doon mo lang maiisip na KAILANGAN mo ako. Na nag-eexist pala ako. Ako na kaibigan mo kapag kailangan mo.
BINABASA MO ANG
Pansamantala
FanfictionKaibigan lang bang maituturing Ang hirap naman yatang mangapa sa dilim