Sabi nila kapag mahal mo daw gagawin mo lahat para sakanyaKahit pa maubos kana basta mapasaya mo lang sya
At yon ang handa kong ibigay sa babae kayakap ko ngayon
"Mahal na mahal kita jema" tumango lang sya
Hiniwalay ko sya sa mga yakap namin tinignan ko sya sa mga mata nya
Ok lang sakin kahit hindi nya sabihing mahal nya rin ako kasi handa akong maghintay makamit ko lang ang salitang yon mula sakanya
"Ano pasok ka muna?" Umiling ako
"Babalik na lang ako bukas mukhang pagod kana eh" sabi ko
"Sure ka?" Tanong nya habang sinisway ang mga kamay namin
"Hmmm magpahinga kana" sagot ko
"Sige pasok na ko!" Paalam nya pero hindi parin nya binibitawan ang kamay ko
Ngumiti ako tapos hinila sya payakap muli sakin
"Ayaw mo pa ata akong umalis eh" natatawa kong sabi
"Kaya sulitin na muna natin to" at humigpit ang yakap nya sakin
"Susunduin mo ba ako bukas?" Tanong nya
"Wala naman akong kotseng pangsundo sayo" natawa sya
"Eh di sayo ako sasakay" ako naman ang natawa
"Parang gusto ko ako yong sumakay sayo" tinulak nya ko kaya lalo akong natawa
"Umuwi ka na nga parang ang manyak nung pagkakasabi mo" nakakunot ang noo nya
"Sorry na hehehe, sige na pasok ka na mahamog na oh?" Sabi kong hinawakan muli ang kamay nya
Parang kaming tanga na nagpapaalam na pero ayaw naman bitawan ang kamay nang isa't isa
"Ayaw mo talagang pumasok?" Umiling ako
Wait may naalala akong sinabi nya kanina
"Sabi mo kanina magpapaturo sakin si mafe? Wala naman syang sinabi sakin ah?" Nakangisi kong tanong sakanya
"Wala akong sinabing ganun" tanggi nya
"Haha sus deny pa aminin mo na kasi jema na gusto mo ako makasama willing naman akong mag stay for you" sabay kindat sakanya
Binitawan nya kamay ko
"Kapal ah? Umuwi ka na nga" tinulak nya ko, natatawa lang ako
"Opo uuwi na may interview din ako bukas eh kaya nga uuwi na talaga ako! " ngumiti naman sya sa sinabi ko
"Talaga? Buti naman at magkakawork ka na"
"Syempre naman kailangan mag-ipon para sa future natin"
"Sira! sige na uwi na" napanguso ako
"Gustong gusto mo na talaga akong pauwian ah?" Natawa naman syang hinawakan ang braso ko
"Kanina pa tayo nagpapaalam sa isa't isa pero wala naman gusto maunang umalis, ok aaminin ko gusto pa kita mag-stay pero sabi mo nga may interview ka pa kaya kailangan mo nang magpahinga para fresh ang isip mo bukas para masagot mo lahat ng tanong nila dapat wag kang kakabahan ah?" Tumango ako sabay ngumiti
BINABASA MO ANG
Pansamantala
FanfictionKaibigan lang bang maituturing Ang hirap naman yatang mangapa sa dilim