Kumuyom ang mga palad ko habang pinapanood si carly at jv sa taas ng stageSobrang nakangisi si jv habang hindi ko mabasa ang emosyon napapaloob kay carly
Tumingin ako kay jema tumutulo ang luha nya sa nasasaksihan nya ngayon
Wala akong ibang maisip kundi ilayo sya sa lugar na to
Hinawakan ko ang kamay nya at hinila palayo sa lugar na nakakasakit saming dalawa
Nasasaktan ako pero mas nasasaktan ako sa nakikita ko kay jema
Sobrang durog na durog sya
Hindi ko rin maintindihan ang nararamdaman ko
Bakit kung kailan napapamahal na ko ng lubos kay carly, nangyayari ang bagay na to?
Tumulo narin ang luha ko na kanina ko pa pinipigilan
Bumibigat narin ang paghila ko kay jema at naririnig ang malakas nyang pagtangis
Damn you jv gustong gusto kita sapakin ngayon
Huminto ako dahil halos ayaw nang lumakad ni jema
Hinarap ko sya hinila ko sya palapit sakin, yinakap ko sya ng mahigpit
Hinayaan lang muna namin umiyak ang isa't isa
"Deans sabihin mo nanaginip lang ako" sabi ni jema
Sana nga nanaginip nalang tayo tapos magigising nalang tayo sa bangungot na to!
Hiniwalay ko sya sa yakap namin at pinunasan ang luha nya
"Tahan na jema hindi sila worth it sa luha natin" ngunit lalo lang syang tumangis
"Akala ko may pag-asa pang magkabalikan kami pero paano na ngayon? Ikakasal na sya!!!! Ikakasal na sya sa girlfriend mo" pinatong nya ang noo nya sa balikat ko
Huminga ako ng malalim hindi ko na alam gagawin ko
Pumitlag naman kami sa humintong kotse sa harap namin
Tinignan lang namin, kung sino man ang baba rito
"Deans" nailing ako nang si carly ang bumaba sa sasakyan
Hinawakan ko ang kamay ni jema at hinila sya palayo
"Mahal please naman pakinggan mo muna ako" huminto ako
Binitawan ko ang kamay ni jema hinarap ko si carly
Tiim bagang akong lumapit sakanya nakita ko ang takot sa mga mata nya
"Ano yon!!!!" Pumitlag sya sa gulat sa pagsigaw ko tumulo ang luha nya
"Plinano nyo ba to? Pinapunta nyo ba kami dito para pagmukhaing tanga hah?????" Umiling sya
"No!!! Sinama kita para ipakilala ka kay daddy deanna maniwala ka wala akong alam sa engagement na yon maniwala ka man sa hindi pati ako nagulat" tumatangis nyang wika
Hindi ko alam pero ayaw rumehistro sakin ng mga sinasabi nya
Hinawakan nya ang kamay ko
"Mahal na mahal kita deanna please makinig ka naman sakin" sabi nya
"Carly" tumingin sya sakin ng deretso
"Wala rin naman mangyayari eh kasi ikakasal ka narin naman" nabasag ang boses ko
"No!! Hindi ako papayag sa kasal na yon!!! Walang kasal na magaganap" umiwas ako ng tingin sakanya
Yumakap sya sakin napapikit ako
BINABASA MO ANG
Pansamantala
FanficKaibigan lang bang maituturing Ang hirap naman yatang mangapa sa dilim