Chapter 14

3.8K 151 23
                                    

Ngumuso ako nang mabasa ko yong text ni jema

From: best jema

Deans sorry! Hindi na ko makakasama sa sunday may biglaang lakad eh next time nalang promise babawi ako

Umasa pa naman ako tapos ayon nabokya na naman

To: best jema

Ok! I understand

Hindi na sya nagreply

Dapat kasi hindi nalang sya umuo eh para naman hindi ako umasa

Wala na nga sila ni jv pero hindi parin nya ko mabigyan ng oras

Ako oh? Pinag palit ko yong lakad namin ni carly para masamahan sya pero hindi manlang nya yon maappreciate nakakainis na talaga

Speaking of carly heto tumatawag na sya

"Hello" sagot ko

"Mahal? Hindi ba talaga pwede icancel yong lakad mo sa linggo please naman oh? Samahan mo naman ako" sabi nya

"Hindi na matutuloy lakad ko sa linggo mahal pwede na ko sumama sayo"

"Talaga? Salamat mahal" masigla nyang sabi

"Saan ba kasi tayo pupunta?" Tanong ko

"May event kasi ang company namin ayoko naman pumunta ng mag-isa dun" kahit hindi ko sya nakikita alam ko nakanguso sya

"Wag nalang kaya mahal? Baka sosyalan yon maop lang ako" alangan kong sabi

"Nandun naman ako mahal hindi naman kita papabayaan"

Bumuntong hininga nalang ako

"Basta wag mo ko iiwan mag-isa dun ah?" Natawa sya

"Opo mahal hahaha parang ka naman jan bata"

"Eh sa first time ko pupunta sa social na party eh hindi ako sanay sa ganun mahal" lumabi pa ko

"Oo nga promise hindi kita papabayaan dun mahal"

"Promise yan ah? Thanks mahal"

"No! Thank you kasi pumayag ka nang samahan ako" wala naman na kasi akong choice umayaw yong gusto kong kasama sa araw na yon

Ngumuso na naman ako

"Mahal ok ka lang ba?" Pumitlag ako hindi pala ako nakasagot sakanya

"Oo naman mahal ok lang ako" kung sino sino kasi iniisip habang kausap yong girlfriend nya

"Ahm mahal I have something to ask pa pala"

"Ano po yon?" Sagot ko

"Samahan mo ko now bibili tayo ng susuotin natin sa sunday"

"Meron naman ako masusuot dito mahal wag ka nang mag-abala sakin" narinig ko malalim nyang paghinga

"Hindi kasi simpleng event lang yon mahal eh kaya hindi dapat simpleng damit lang din" ako naman ang huminga ng malalin

"Mahal sige na please?" May lambing sa boses nya

"Ok what time ba? Ngayon na ba?"

"After lunch nalang siguro medjo busy pa napasabak agad sa trabaho eh" kakagraduate nya lang pero binigyan na sya agad ng responsiblidad sa kumpanya nila na isang kilalang brand ng sardines

Pero parang training palang ata sya

Ako kasi mag-aapplyan palang habang hinihintay ko pa yong approval ni ate nicole

Hindi ko pa pala nasasabi kay carly na mag-aamerika na ko

"Baka pagod ka na? Bukas nalang kaya?"

PansamantalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon