Jema's POV
"Sobrang lalim naman ng iniisip mo ate nalulunod ako" natatawang sabi ni mafe
Nasa likod bahay kami ngayon
"May girlfriend na si deanna" sabi kong nagpangisi sakanya
"Eh ano naman ngayon sayo?" Tumaas namab ang kilay ko
"Wag mong sabihin nagseselos ka?" Lalo pa syang ngumisi
"Hindi ako nagseselos no?!!!!" Napalakas ang boses ko
"Haha relax naman kung hindi ka nagseselos bakit ganyan reaksyon mo?" Sabi nya
"Parang kasing ang daming tinatago sakin ni deanna! Tapos sa iba ko pa nalalaman tapos ngayon biglang may girlfriend na sya? Nadidissapoint lang ako kasi ako yong bestfriend nya pero ako yong walang alam" umiling naman si mafe
"Hindi mo naman sya kasi tinatanong ate, kilala mo si ate deanna hindi yan makwentong tao, kung hindi mo sya tatanungin hindi yan magsasabi sayo, di ba nga dapat ikaw unang makakapansin na iba sya bukod sa pamilya nya? Kasi ikaw yong bestfriend nya? Pero simula dumating si kuya jv hindi mo na sya nakikita so paano nya nga sasabihin sayo?" Sabi ni mafe
"Alam mo ba sabi ni josh ngayon nalang daw nila ulit nakitang masigla si sachi! Pag-uwi daw nya kanina tuwang tuwa itong binalitang may girlfriend na sya at syempre tuwang tuwa din daw si tito at tita dahil nag-open up na daw si sachi sakanila" tinaasan ko sya ng kilay
"Kung makasachi ka akala mo part ka ng pamilya nila ah" sabi ko
"Sa dami ng sinabi ko yan lang naintindihan mo" sabay irap sakin, natawa naman ako
"Naintindihan ko! Siguro nga sobrang laki nang pagkukulang ko kay deanna bilang bestfriend nya, pero netong mga nakaraan araw tinatanong ko naman sya pero ayaw nyang magsabi" sabi ko
"Ikaw ba naman baliwalain ng 2 years aasahan mo pa bang mag-open pa sya sayo? Yong tatawagan mo lang sya kapag nag-aaway kayo ng boyfriend mo? Kapag may bibilin ka para sa special event mo?" Parang sinabi nya narin yan sakin
"Ginagawa mo lang syang option ate eh" pumikit ako sa sinabi nya
Ganun na ba akong kasamang bestfriend kay deanna?
"Kung gusto mo talaga makabawi sakanya make yourself available ngayong may gf na sya! Tyak kakailanganin nya ng kaibigan, kapag nag-aaway sila ng gf nya at sino pa ba ang aasahan nya? Di ba dapat ikaw?" Sabi ulit ni mafe
"Masyado kang advance mag-isip pinag-away mo na agad" sabi ko
"I'm just stating a fact" wow english nosebleed ang lola nyo
"Akala ko talaga si ate jovy lang matinong kausap ikaw rin pala" natatawa na ko
"Malamang tanders na yon eh talagang matino na yon kausap" natawa na ko nang tuluyan
Langya talaga tong bunso naming kapatid
"Hindi ka talaga nagseselos ate?" Nakangisi na naman sya
"Hindi no!!! Kaibigan ko lang si deanna, bestfriend ko lang sya" naiirita kong sagot sakanya
"Bakit tunog defensive ka?" Tinaasan ko na naman sya ng kilay
"Straight ako mafe tigilan mo ko" sabay irap sakanya
"Sus yan din sinabi nung mga kaibigan ko pero may karelasyon naring lesbian ngayon" sabi nya
"Yuck kadiri" nanglaki naman ang mga mata nya
"Nang-didiri ka sa lesbian? Ibig sabihin nang-didiri ka rin kay ate deanna?" Hindi ako makaimik
"Hay naku ate! Tapos ngayon nagtataka ka pa kung bakit hindi nya sinabi sayo? Malamang natakot yon kasi ganyan reaksyon mo sa mga katulad nila" tumingin ako ng deretso kay mafe
BINABASA MO ANG
Pansamantala
FanfictionKaibigan lang bang maituturing Ang hirap naman yatang mangapa sa dilim