Chapter 27

1.7K 77 0
                                    

"Wooooohhhh tagay pa mga pre!" Sigaw ko habang tinataas ang boteng hawak ko

"Tama na yan Deans lasing ka na!" Awat ni Tots

"Hindi maaalis ng pag-inom mo ang sakit na nararamdaman mo ngayon Deanna!" Komento naman ni Ricci

"Alam nyo mga pare hindi naman ako nag-iinom kasi nasasaktan ako eh! Nagcecelebrate kaya ako"

"Dahil sa wakas masaya na ulit iyong bestfriend ko! Masaya na sya ulit pero katulad dati hindi na naman ako iyong dahilan!"

Natatawa ako pero ramdam ko ang pagtulo ng likidong sa pisngi ko

"Ganun ba ko kahirap mahalin mga pre? Ako iyong laging nandyan noong wala pang JV diba?"

"Bestfriend kababata nya ko? Pero bakit hindi nya ko napansin?" Nilagok ko ang beer na hawak ko

"Ahhhhh alam ko na kasi hindi ako lalaki ganun ba?" Sarkastikong saad ko

"Deans, alam mong wala sa kasarian kapag tinamaan ka! Ganun lang talaga siguro kamahal ni Jema si JV....."

"Kaya kahit sinaktan niloko at ginago sya nito binalikan parin nya?" Putol ko kay Ricci

"Ganun talaga kahiwaga ang pag-ibig Deanna, minsan iyong mga taong nakakasakit sayo ng sobra"

"Sila ring iyong mga taong sobrang mahal mo at handa kang magtiis para lang sa pagmamahal na iyon!"

Sinabunutan ko ang sarili kong buhok "Kaya ganun nalang din ako masaktan kay Jema dahil ganun ko rin sya kamahal huh? Tots?"

Hindi sya nagsalita nagtinginan lang sila ni Ricci

"Akala ko pagkatapos ng dalawang taon pagbalik ko dito handa na kong magbestfriend nalang ni Jema!"

"Sobrang tagal kong hinanda iyong sarili ko! Hindi ako nakibalita kaya sobrang sakit na malamang sila na ulit eh!"

"Nakakainis ano ba kasing pwedeng ipanglaban ko kay JV? Bukod sa lalaki sya!!!!"

"Bukod sa lalaki sya! Sya rin ang kaisa-isang lalaking minahal ni Jema! Ano bang laban ko dun?" Humahagulgol na saad ko

"Kung kaya ko lang sana turuan ang puso ko naibigay na kay Carly ito ng buo ginawa ko na. Pero ang mahirap eh!"

"Hindi ko kayang ipilit ang sarili ko sakanya katulad ng hindi rin kaya ipilit ni Jema ang sarili nya sakin!"

Tinungga ko ang boteng hawak ko pero wala na itong laman

"Isa pa!" Kukuha pa sana ako sa case ng pigilan ako ni Ricci

"Tama na Deanna lasing ka na! Hindi naman maaalis ng alak ang nararamdaman mong sakit eh! Sakit ng ulo lang ang kapalit nyan!"

"Alam ko! Alam kong hindi matatakpan ng alak ang mga problema natin o ang sakit na nararamdaman natin!"

Ngumiti ako ng may tunog "Pero kung ito lang ang tanging paraan para maging masaya panandalian"

"Uulit-ulit ko ito kahit pa sumabok ang ulo ko kinabukasan" natatawang saad ko

"Kaya huwag nyo na kong pigilan, isa pa please? Cci? Tots?"

Wala na silang nagawa kundi bigyan ako ulit ng isa pang bote

"Kung alak nga talaga ang nagpapalimot sa mga problema natin at para mawala ang sakit ng ating nararamdaman"

"Bakit naaalala mo paring ang mga problema mo ngayon? At bakit sobra ka parin na sasaktan?"

Natawa nalang ako sa tinuran ni Ricci

PansamantalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon