Naalimpungatan ako sa pagring ng phone ko
Sino ba to? Ang aga naman mang bwisit
4 am palang eh ang sarap sarap nang-tulog ko
"Hello" pupungaspungas kong sagot
"Congrats deans" boses ni ate nicole
"Wow naman ate pwede naman mamaya ang aga pa eh" natawa naman sya
"Alam mo naman wala akong libre oras eh dami kayang pasyente ngayon" caregiver sya sa isang home for the aged sa US
"Joke lang ate ikaw naman miss you" lumabi pa ko
"Miss ko na rin kayo, nga pala deans kaya din ako napatawag kasi nakuha ko na ang residentcy ko may US citizenship na ko pwede na kitang kuhanin deans makakapag aral ka na ng photography dito habang nagtatrabaho ka" napaupo ako sa narinig ko
""Talaga ate?" Excited kong tanong sakanya
"Oo kaya konting hintay nalang ipoprocess ko na ang pagmigrate mo dito congrats ulit sa graduation mo ngayon ,kailangan ko na ibaba deans nandito na pasyente ko" paalam ni ate
"Sige ate thank you see you soon I miss you so much" sabi ko
"I miss you too! babye for now sachi" narinig ko nalang ang busy tone
Napayes ako sa hangin
Sobrang saya ng araw na to dahil sa wakas malapit na ko lumipad pa'amerika tapos graduation ko pa ngayon
Matagal ko na talaga gusto magphotography kaso ayaw ni papa dahil wala naman daw ako makukuhang magandang trabaho dun
Kaya nagbusiness management nalang ako tulad ng gusto ni papa
Kaya ngayon nakatapos na ko pangarap ko naman ang susundin ko
Salamat talaga kay ate nicole
Nahiga muli ako at matutulog muna maaga pa naman hapon pa ang graduation namin
Sa PICC gaganapin
Pumikit ako at huminga ng malalim
-----------------------------
"Sachi bilisan mo na at mahuhuli na tayo" sigaw ni mama hindi naman sya masyadong excited
"Ang pogi naman ni sachi" katyaw sakin ni peter
Naka black polo long sleeve kasi ako na pinarisan ng slacks na black din at syempre black shoes
Ok lang naman sa school namin na kahit anong isuot mo basta desente kang tignan
"Graduation ba aatenan natin o lamay?" Natatawang sabi naman ni josh
Siniringan ko naman sya kaya nagpeace sign sya
"Nga pala ma! Hindi ko makita yong DSLR camera ko" sabi ko
"Heto ba hinahanap mo?" Lumingon kami kay papa
Nasa mukha nya ang camera ko
"Smile" sabi nya
Nagpose naman kaming lahat
Nagflash ang camera katunayan nacaptured na ni papa ang moment na yon
"Bagay pala sayo pa ang maging photographer eh! Sayo pala mana si sachi" bola sakanya ni josh
"Kay sachi mo lang bagay to" sinabit nya sa leeg ko ang camera
"Nakausap ko na ang ditchi mo malapit ka na pala nyang dalhin sa amerika" hinawakan ni papa ang balikat ko
"Ngayon tapos ka na sa pag-aaral hahayaan na kitang ipursue yang pangarap mo sachi" niyakap ko si papa
"Salamat pa" tinap naman nya ang batok ko
BINABASA MO ANG
Pansamantala
FanfictionKaibigan lang bang maituturing Ang hirap naman yatang mangapa sa dilim