Pinunasan ni Ced ang luha n'ya nang dumating na prof. namin.
Hinagod ko ang likod n'ya. Tumingin s'ya sakin, nginitian ko s'ya pero inirapan n'ya ko.
Napabuntong hininga ako. Nagfucos nalang sa lecture namin, hindi nalang pinansin si Ced.
Ayoko talagang pumayag sa gusto n'ya. Paano kapag nalaman ni Jema na hindi pala ako straight?
Paano kung yun pa ang maging dahilan para tuluyan n'ya kong layuan?
Nanglilimos na nga lang ako ng oras at attention sakanya tapos pati yun baka mawala pa kapag nalaman n'ya? Kapag nalamang n'yang tunay na ako? No. Hindi ko kaya!
Nagmamadaling tumayo si Ced palabas ng room namin nung dinismiss na kami.
"Ced, wait." Pigil ko sakanya. Tinignan n'ya lang ako. 'Pwede bang iba nalang ang hilingin mo?"
"Okay lang, Deanna. Kung hindi mo kaya. Sa iba nalang ako hihingi ng tulong," sabi n'ya sabay lakad palayo sakin.
Tinanaw ko nalang si Ced hanggang mawala ito sa paningin ko. Nagpawala ako ng isang malalim na hininga. Kainis!
Tinignan ko ang relo ko, 15 minutes nalang late na ko sa next subject ko.
Pero ayaw humakbang ng mga paa ko.
Kaklase ko kasi si Jema at JV ngayon.
Hay, naku! Makikita ko naman kung paano sila maglandian sa harapan ko. Ilang ulit akong nagpaikot ikot, pabalik balik sa labas ng classroom namin ni Ced. Nagtatalo ang utak ko kung aatend ako sa next subject.
Napatingin ulit ako sa relo, 10 minutes nalang late na ko.
Wala na talaga akong choice, math ang next subject ko pinaka mahalaga sa lahat.
Huminga ako nang malalim bago tumakbo.
Nasa 4th floor pa yung classroom para sa next subject na yun.
Nagmamadali akong umakyat sa hagdan halos hingal na hingal na ko. Letse! Nakikipagtalo ka pa sa utak mo aatend ka rin pala. Hingal kabayo ka tuloy ngayon.
"Ahhhh!" Bwisit!
Napatingin ako sa relo pagtapat ko ng silid aralan namin.
Letse, late na ko ng 5 minutes.
Napasandal ako sa pader dala ng nginig ng tuhod. Ikaw ba naman akyatin mo yung hagdan mula 1st floor hanggang 4th floor. Tignan ko lang kung hindi ka hapuin. Pagod na pagod ako mga pre.
"Woooh!" Bumuga ako ng hangin pang relieved lang ng nararamdaman. Dahan-dahan kong pinihit ang door knob at binuksan ang pinto.
"Ma'am sorry, I'm late!" Malakas na sabi ko sabay yuko.
Wala naman akong narinig kundi ingay ng mga kaklase ko.
"Wooh!" Napabuga ulit ako ng hangin sa relieved. Salamat. Wala pa ang prof. namin
Tumingin ako sa gawi nila Jema kung saan s'ya nakaupo ng bwisit n'yang boyfriend. Sakto namang nakatingin din sila sakin.
Kinuha ko ang panyo ko sa bulsa ng pantalon ko at pinunasan ang sarili ko. Feeling ko naligo ako sa sarili kong pawis. Kainis!
Tumabi ako kay Jema, sa kaliwa n'ya ko sa kanan naman n'ya si JV.
"Okay ka lang?" Tanong ni Jema.
Tumingin ako sakanya. Magkaholding hands sila ni JV.
"Oo, naman." Sagot ko. Yumuko ako sa desk. Naramdaman ko ang kamay ni Jema na humahagod sa likod ko.
"Pawis na pawis ka." Bulong n'ya.
BINABASA MO ANG
Pansamantala
ФанфикKaibigan lang bang maituturing Ang hirap naman yatang mangapa sa dilim