Nagpapahila lang ako kay jema dito sa mall
Pagkatapos namin sa playground kanina nag-aya sya lumabas
Pumayag nalang ako hindi rin naman nya ko titigilan eh
Nakasunod lang ako sa kanya kahit saan sya magpunta hindi kami nag-uusap
Hanggang makarating kami sa arcade dumeretso sya sa basketball
Ako naman nagpapalit ng token at inabot ko yon sakanya
Pinagmasdan ko lang syang maglaro habang nakangiti sya
Ang gand mo talaga jema naisip ko lang kung hindi ako naging duwag bago dumating si jv may chance ba ko sayo?
Para naman hindi natin to nararanasan lahat ng sakit na to lalo ka na
Yumuko ako at napangiti ng mapait
Wala parin siguro akong chance kahit walang jv na dumating dahil straight si jema at kaibigan lang ang turing nya sakin
Pumikit ako ,may butil ng luha tumulo sa sahig
Dumilat ako nang maramdaman kong niyakap ako ni jema
"Ok lang yan deans malapit mo na rin syang sundan" hiniwalay ko sya yakap namin
"Tapos ka na?" Tumango naman sya
Hinila na nya ulit ako palabas ng arcade
"Umupo ka muna jan order lang ako" wika nya nung nakarating kami sa isang food court
Tinitignan ko lang sya habang namimili ng kakainin namin
"Pancit cantoon with barbeque nalang inorder ko ok lang ba?" Sabi nya pagbalik may dala rin syang tray
Tinulungan ko sya ipatong yong mga binili nya sa mesa
Nasa kalagitnaan na kami nang pagkain nung binasag nya katahimikan namin
"Hindi mo manlang sinabi na aalis ka na pala" tumingin ako sakanya ng deretso
"Wala kasing chance" yumuko naman sya
"Ang daya naman iiwan mo na ko" pumikit ako
"Makakapag-aral na kasi ako ng photography dun heto na yong chance ko" umangat na ang tingin nya sakin
"Tapos bonus pa na nandun na si carly" ngumiti sya
May chance kaya na pigilan mo ko jema?
Umiling-iling ako malabo yon
"Nandun man si carly o wala tutuloy parin naman ako" sabi ko
"Mahal mo na talaga sya no? Kitang kita ko nung gabi yon kung gaano mo sya kamahal" sabi ni jema
"Hindi naman mahirap mahalin si carly lalo na't sya yong unang tao nagparamdam sakin kung gaano kasarap mahalin, hindi sya nagsawa sakin kahit nung una alam naman nyang hindi ko sya mahal ,because my heart is belong for someone else! Hindi sya sumuko o napagod mahalin ako kaya napamahal narin ako sakanya" nakangiti sya tumango sakin
"Sobrang saya ko kasi nahanap mo yong babaeng kaya kang panindigan at sobra kang mahal" hinawakan nya ang kanang kamay ko
"I'm so happy for you bestfriend! Alam ko pansamantala lang ang kalungkutan mo ngayon, dahil magkakasama rin kayo at sasaya ka na" sabi ulit ni jema
Pero mas masaya sana ako kung ikaw yong magpapasaya sakin
Kung ikaw nalang yong magmamahal sakin
Hindi na ko aalis jema basta sabihin mo lang na mahal mo rin ako
Pero sa panaginip ko nalang ata yon mararanasan
BINABASA MO ANG
Pansamantala
FanfictionKaibigan lang bang maituturing Ang hirap naman yatang mangapa sa dilim